Advertisers
NI-REIMBURSE ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang P28,011 na ginastos ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio para sa kanyang drug test.
Nag-ugat ang isyu matapos mag-viral sa social media ang naging asal ni Respicio sa isang forum sa kanilang lalawigan. Dahil dito, hinamon ni Remulla ang bise alkalde na sumailalim sa drug testing.
Agad namang nagpa-drug test si Respicio noong Miyerkules, Oktubre 7. Ayon sa resulta na kanyang isinapubliko, negative siya sa paggamit ng ilegal na droga. Nagkakahalaga ng P28,011 ang isinagawang pagsusuri.
Matapos ilabas ang resulta, sinabi ni Respicio na nais niyang ipa-reimburse kay Remulla ang kanyang naging gastos. Tinugunan naman ito agad ng kalihim at ipinadala ang buong halaga nitong Huwebes, Oktubre 8.
Ibinahagi ni Remulla sa comment section ng post ni Respicio ang screenshot ng kanyang ipinadalang P28,011 bilang patunay ng reimbursement. Kalakip nito ang maikling mensahe na, “Eto na, Happy?”