Advertisers
Mapapahiya si Haring Midas sa dami ng salapi na hawak ni Inday Salakay at ng asawang mabalasik ang kamay sa pangungulimbat ng salaping bayan. Ang kagalingan sa mga usaping tinatalakay sa hukom-senado, lumabas ang asawa ni Inday Salakay’ kasapakat sa mga ma-anomalyang transaksyon na ‘di mabilang ni Mang Juan sa laki’t dami. Sa nabatid na dami ng salapi ng mag-asawa, sumuko ang mahika ni Haring Midas at ‘di nagawang gawing ginto ang mga bagay na ibig ni Inday Salakay. Hindi iniinda ni Inday Salakay ang halaga ng bagay na ibig makamit lang dahil ang mahalaga’y mapasakanya. Sa dami ng salaping ambag ng mamamayan ng bansa, sa isang kumpas ng kamay ni Inday Salakay kagyat na ilalabas ng mga namamahala sa kaperahan ng bayan ang salapi sa takot sa amang demonyo sa pangungunsinte sa anak na sugapa sa salapi.
Ang kaayusan sa pangangailangan sa salapi’y karaniwan sa tao sa laylayan ngunit ‘di silip sa pamilyang ginawang paminggalan ang kabang bayan, ang ibig na mabibili ng pera’y tila nasa dulo ng daliri. Ang kaayusang banggit ang daan sa ‘di mapigil na pagka-sugapa sa salapi ng kaTimugan ‘di lang ng pamilya maging ng mga kasapakat sa kalokohan. Walang puwang ang kaayusan sa pamamahala sa kaTimugan dahil sa pagiging sugapa at bangag sa salaping bayan. Sa totoo lang, hindi nalulong sa bisyo sa bawal na gamot ang mga tao sa dahilan na pangangailangan sa maisusubo sa bibig ng maitawid ang maghapon sa kawalan. At ang kabila ng nagsusulong ng laban sa bawal na gamot, ang pagiging sugapa sa salaping ipinapasok sa lukbutan ng mga tulak at utak ng pagpapakalat sa bawal na gamot.
Sa kabilang banda, ang hindi pansin na labas masok ng salaping bayan na dumadaan sa kamay ng kaTimugan ang kaayusan na nagpapalala sa kalagayan ng tao sa laylayan. Ang masakit, nagtataasan ang halaga ng bilihin habang nag-papaubaya ang tauhan sa salang ibig ng among sakim. Ang hindi sinunod na mga tuntunin na mahalaga sa pagdodokumento ng mga naganap na paglabas masok ng salapi ng pamahalaan. Sa dami ng transaksyon na ‘di nasunod ang pagdodokumento lumobo ang nawalang salaping bayan na sa huli’y nasilip na pumasok sa bangko na nakapangalan sa nililitis sa hukom-senado. Sa kasamaang palad ang salang gawa’y tila o naging karaniwan at ganap na isinantabi ang mga patakaran na dapat kalakaran sa pamahalaan.
Sa totoo lang, napabayaan ng kaayusan ang tuntunin na sinusunod ng mga kawani sa pamahalaan ngunit o dahil ang kaTimugan ang nasa poder sa panahon ayos lang ang ‘di nakadokumentong transaksyon, ayos ang regla’t bahala na si Batman sa pag-aayos sa susunod na mamamahala. Ang walang humpay na paglabas masok ng salaping bayan ang silip na dahilan sa pagkasugapa ng abalang pangulo sa salapi, ‘di basta salapi, salaping bayan. Hindi iniinda ang pagtustos sa salaping bayan dahil ang ibig ang dapat maganap. Ang masakit, silip ang paglabag sa nakasulat na tuntunin ngunit bina-balewala dahil ama ang puno ng pamahalaan at sindikato sa bansa. At ang lahat ng ibig ay kailangan na makamit, higit ang pag-ibig sa kaperahan. Sa dami ng salaping ‘di maipaliwanag na nabatid ng bayan, sumulpot ang ngalan tulad ni Mary Grace Piattos at Andy Lim.
Sa pagninilay, hindi sinarili ng mag-aama ang pagkasugapa sa salapi dahil maging ang mga malalapit na kapamilya’t kaibiga’y nagawang palusutan ang bayan sa mga ipinasok na mga negosyo kuno na alang pakinabang si Mang Juan. Sino ang makalilimot na lagayan na pinagtaguan ng mga bawal na gamot at ang nabaon sa kaso ang nagbabantay sa bodegang pinagtaguan ng droga. Ano ang pakinabang ng bayan sa mga pasilidad ng komunikasyon na pumasok sa mga lupain ng pamahalaan? Higit walang pakinabang ang bayan sa mga inutang na trilyong pisong halaga sa panahon ng COVID na pasanin ng bayan hanggang sa kasalukuyan. Saan pumasok ang mga halagang inutang na trilyon ang halaga? sa Katimugan?
Ang ‘di nasunod na tuntunin sa pamahalaan ang nagbigay lakas loob kay Inda Salakay na sairin ang pondo ng pamahalaan sa panahon ng ama. Ang ‘di masumang halaga ng salaping bayan ang usapin sa hukom-senado sa kasalukuyan na masasabing pumasok sa lukbutan ng kaTimugan at ang dahilan sa pagiging sugapa ni Inday Salakay sa salaping bayan. Sa panahon ng pagiging malapit ni Inday Salakay sa kasalukuyang pangulo, hindi nagdalawang isip na ubusin sa ilang araw ang P125M na lantaran ng pagkasugapa sa salaping bayan. Sa totoo lang, ‘di iindahin ang galaw na ibig ng abalang pangulo hingil salapi higit kung tama at ‘di mabigat sa balikat ng bayan. Sa pagninilay ni Mang Juan, saan ang pinag-gamitan ng napakalaking halaga ng gayung iilan lang ang nasa tanggapan. Karagdagan sa isip ni Mang Juan, hindi ba sapat ang kasalukuyang yaman ng abalang pangulo at sa aga ng pag-upo sa tungkulin, nagawang mangulimbat ng salaping bayan.
Hindi silakbo ng pangangailangan ang paghahanap ng salaping labis ito’y ganap na pagkasuga. Ang ‘di pagsunod sa mga tuntunin sa paglalabas ng salaping bayan na pinabayaan ng ilang tao sa pamahalaan dahil sa kapangyarihan nakamtan ng kaTimugan ang dahilan sa pagkasugapa ng taong pinatutungkulan. Malinaw na ang kalakarang naganap sa panahon ng amang nanunungkulan sa mataas na upuan sa pamahalaan ay kapabayan dahil sa takot na usapin na ipinamulat sa mga kawani na iiba ng landas. Ang masakit lumaki at umabot sa pagpapasipa kay Inday Salakay dahil sa pagiging sugapa sa salapi. Walang ibang daan at ‘di matatakasan ang katotohanan na ang bilyon bilyong salapi na pumasok sa lukbutan ng abalang pangulo’y bunga ng kasakiman sa salapi. Ang pagiging sugapa sa salapi higit sa salaping bayan ang ganap na sala na ‘di kailangan na ma-rehab at dapat makulong ng habang buhay.
Naniniwala si Mang Juan na may sugapa sa bawal na gamot ngunit silip ang dahilan higit ang tao sa laylayan na walang makain ang dahilan sa bisyong banggit, ang maibsan ang kagutuman. Sa kabilang banda, ang taong ganap na ang dami ng salapi na patuloy sa paggawa ng kabulastugan ang masasabing sugapa sa maraming bagay at ito ang namalas sa pag-uusisa sa abalang pangulo. Hindi minamali ang mga tagapagtanggol ng abalang pangulo, ngunit magmulat dahil bahagi kayo ng bayan na pinakialaman ang buwis mula sa bayan. Batid na trabaho lang at walang personalan ngunit kagalingan ng bayan ang tinatalakay, hindi ba dapat na sabihin na ganap na sugapa si Inday Salakay sa salapi higit sa salaping bayan.
Maraming salamat po!!!!