Advertisers

Advertisers

ANIM NA COAST GUARD SA BATANGAS, BATIK SA IMAHE NI ADM. GAVAN!

0 57

Advertisers

ANG mga di-matatawarang accomplishments ng Philippine Coast Guard sa kampanya kontra droga ang naglalagay sa mataas na pagkilala sa liderato ni Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan.

PCG Spokesperson Cdre. Noemie G. Cayabyab at Comdt. Adm. Ronnie Gil. L. Gavan

Kabilang sa mga achievement ng PCG ay ang pagkasabat ng malalaking kantidad ng droga na tinangkang ipuslit patungo sa Metro Manila noong July 29, 2026. Umabot sa may 75 kilo na shabu na nagkakahalaga ng Php 510M ang nasabat ng PCG personnel sa Batangas City Port.



Noong June 17, 2026 ay nasabat din ng magkasanib na tropa ng Coast Guard at PNP Maritime Command sa Batangas City Port ang isang alyas Larry habang may dalang shabu mula sa Oriental MIndoro na nagkakahalaga ng Php 4.4M. Nasabat naman ang isang pick-up van na may lulan namang 12 kilong shabu na may street value na Php 81.6M noong Oct. 8, 2026. Arestado ang apat na suspek kabilang ang isang babae, naipagharap ang mga ito ng kaukulang kaso sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Dapat nating saluduhan sina Cmdt. Gavan!

Ngunit ang mga kabayanihang ito ng mga Coast Guard ay nababalewala dahil lamang sa mga kabalbalan na pinaggagawa ng anim na tauhan ng Batangas Coast Guard Station.



Batay sa sumbong na idinulog sa SIKRETA ay nangongotong ng tig Php 2,000 sa mga passenger motor boat, tourist boat at diving boat operator at crew ang mga naturang tauhan ng Coast Guard sa mga nagbibyahe mula sa Isla Verde, Batangas City via Brgy. Tabangao ng naturan ding lungsod.

Halagang Php 2,000 din ang suhol o intelhencia ang “ipinasusuka” araw-araw ng mga Batangas Coast Guard personnel sa mga tourist boat at diving boat operator at crew na naglululan ng mga American, European at iba pang dayuhang turista mula sa Puerto Galera, Oriental Mindoro na nais magliwaliw sa bantog na diving spot sa Sitio Pulong Bato, San Agapito at Nalayag Pt., San Agustin Kanluran, kapwa sa Isla Verde.



Ang apat sa inirereklamong Batangas Coast Guard personnel na naka assign sa Sitio Mahabang Buhangin, Brgy. San Kanluran, Isla Verde Batangas Coast Guard Substation ay kinilala pa lamang sa alyas Riva, alyas Aguilar, alyas Dones at alyas Bendo. Kinilala naman sa alyas Magadia at alyas Adap ang nakatalaga sa Sitio Berberabe, Brgy. Tabangao ng naturang lungsod.

Kapag kulang naman sa minimum ang pasahero ng mga naturang motor boat ay tig kalahating cavan na bigas at pambili na lang ng pang ulam ang itinatara sa mga magbabangka (motor boat operator at crew) ng mga naturang tiwaling Coast Guard.

Sapagkat di pa umaaksyon si Southern Tagalog Coast District Commander Cmdre. Geronimo Tuvilla kaugnay sa naturang sumbong, at bilang PCG Spokesperson si Cmdre. Noemie Cayabyab ay tungkulin nitong paalalahanan si Admiral Gavan na gumawa ng kaukulang hakbang at kastiguhin ang mga batik na ito sa kanilang hanay.

Mapapanatili ni Comdt. Gavan ang magandang imahe at integridad ng kanilang organisasyon kung maipapakita nito sa mga mamamayan na walang puwang sa kanilang organisasyon ang ilang tiwali, abusado at mapanlamang sa kawa na mga Batangas Coast Guard personnel.

May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144