Advertisers

Advertisers

Cayetano: Piliin natin ang tama sa gitna ng mga pagsubok sa buhay

0 28

Advertisers

Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na patuloy na piliin ang tama sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng disiplina sa sarili, sariling pamamahala, at pananampalataya sa pagharap sa mga hamon araw-araw.



“Trouble will come to you [at] maraming crossroads [na dadaanan]. We are all faced with decisions everyday, [but] we have to try to do what is right,” wika ni Cayetano sa isang Facebook livestream nitong October 10, 2026.

Ayon sa senador, hindi dapat nakasalalay lamang sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaan ang paggawa ng tama. Dapat din itong magsimula sa disiplina at pananagutan ng bawat indibidwal.



“Maganda y’ung mahigpit ang gobyerno. Pero ang pinakamagandang bansa ay [kung ang] mahigpit ay tayo mismo. Meaning self-governance, if we start with ourselves,” aniya.

Binigyang diin din ni Cayetano na mas malaking alalahanin ng maraming ordinaryong Pilipino ang katiwalian at ang araw-araw na paghahanap ng sapat na panggastos sa pamilya kaysa sa mga usaping pampulitika, gaya ng impeachment trial.



Sa kabila nito, hinikayat niya ang mga nakararanas ng paghihirap na huwag mawalan ng pag-asa at huwag hayaang diktahan ng kanilang kasalukuyang sitwasyon ang kanilang pagkakakilanlan at layunin sa buhay.

“If the world is telling you ‘wala kang pag-asa,’ that’s not true. Bago ka magplano, may vision muna. And then, based sa [iyong] vision, you will see the relationship with your identity and with your purpose,” sabi niya.

Binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pagwawaksi sa mga paniniwalang nagpapahina ng loob, pagkapit sa pananampalataya, at patuloy na paggawa ng tama sa kabila ng mga pagsubok.

“First, you have to get out the lies. The lying spirit na sinabing ‘wala ka’. May crossroads every day. Just do your best. Immerse yourself sa salita ng Diyos [and] do the right thing,” wika ng senador.