Advertisers

Advertisers

Duterte personal na dumalo sa ikaapat na status conference sa ICC

0 52

Advertisers

MULING personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) nitong Martes, Oktubre 13 sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan, kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap niya dahil sa kaniyang kampanya kontra droga.

Dumalo si Duterte sa 4th status conference na layong ayusin ang mga detalye at paghahanda para sa paglilitis. Nakaupo siya sa likod ng kaniyang mga abogado at gumamit ng headset habang nagsisimula ang pagdinig.

Una nang dumalo si Duterte sa mga pagdinig sa pamamagitan ng video link matapos siyang dalhin sa The Hague. Hindi rin siya dumalo sa ilang nakaraang pagdinig bago personal na humarap sa ikatlong status conference ng kaso noong Setyembre.



Itinakda ng ICC ang Nobyembre 30 bilang pagsisimula ng paglilitis, na maaaring tumagal nang ilang buwan o taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">