Advertisers

Advertisers

Gerald nagpahayag sa kasong kinakaharap ni Kim at sa kapatid nitong si Lakam

0 28

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagbigay ng maikling pahayag si Gerald Anderson kaugnay ng legal na usaping kinahaharap ng kanyang ex girlfriend na si Kim Chiu at kapatid nitong si Lakam Chiu.

Natanong kasi ang aktor sa isang event ng kanyang iniendorsong produkto hinggil sa kasong kinakaharap ng magkapatid .



Aniya: “Ayaw kong magbigay ng komento pero ipagdarasal natin na maging okay ang lahat. ‘Yon lang naman. Mahirap ang sitwasyon, walang panalo d’yan. We just hope for the best para sa kanila. Mangyari ang dapat mangyari,”

Nilinaw niyang mas pinili niyang huwag nang magbigay ng detalyadong komento tungkol sa kaso.



Tinanong din siya kung nakaranas na ba siyang magsampa ng kaso laban sa mga taong malapit sa kanya na may kaugnayan sa pera.

Ibinahagi niyang mas pinipili niyang mag-move forward sa halip na magdemanda.



“Nagdemanda? Hindi, kasi minsan mas madaling mag-move forward na lang. Mababawi mo naman ‘yon, like I’ve said kanina, magbuo ka ng team na mapagkakatiwalaan mo,” paliwanag niya.

First time na nagsalita ang aktor about Kim kaya muli na namang pinaguusapan ang KimRald ng publiko lalo na’t marami pa ring interesado sa posibilidad ng isang reunion project para sa dating sikat na tandem.

Huling nagkasama sina Kim at Ge noong 2017.