Advertisers

Advertisers

Cayetano: ‘Wag madaliin ang impeachment trial

0 29

Advertisers

Nagbabala si Senator-judge Alan Peter Cayetano na hindi dapat isakripisyo ang pagiging patas sa pagmamadaling tapusin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, maaari itong makaaapekto sa pag-unawa ng susunod na henerasyon tungkol sa hustisya at demokrasya.
Sa ika-39 na araw ng paglilitis nitong October 13, 2026, iginiit ni Cayetano na kailangang tiyakin ng Senado na nasusunod ang mga democratic principle sa buong proseso, anuman ang maging resulta ng kaso at reaksyon ng publiko.
“Whatever the judgement, it has to be acceptable by the Filipino people. Just because there is no coup d’etat or people power, that doesn’t mean na tama y’ung tinatanim natin sa mga kabataan ngayon,” sabi niya.
Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng anunsyo ni Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro na binabawi ng prosekusyon ang tatlo sa apat na articles of impeachment at magtutuon na lamang sa Article II na tumatalakay sa unexplained wealth, mga maling deklarasyon sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN, at patuloy na interes sa negosyo.
Ayon kay Luistro, nagpasya ang prosekusyon matapos maingat na suriin kung ano ang pinakamainam para sa Impeachment Court. Binigyang diin niyang hindi nila layuning aksayahin ang mga resources ng hukuman. Isinaalang-alang din aniya nila ang mga legislative duties ng Senado, partikular ang pagpasa sa General Appropriations Act (GAA) o national budget.
Gayunman, iginiit ni Lead Defense Counsel Atty. Sheila Sison na dapat pa ring mabigyan ng pagkakataon ang depensa na kuwestiyunin ang mga ebidensyang naiharap na sa paglilitis.
Bilang tugon, nagbabala si Cayetano laban sa pagmamadali sa paglilitis para lamang maabot ang itinakdang deadline. Aniya, walang itinatakdang limitasyon sa panahon ng impeachment proceedings ang Konstitusyon.
“We have to finish this impeachment process with the basic element of fairness and justice. Kahit ano’ng mangyari dito, may matutuwa, may magagalit, but history will judge us whether or not we upheld elementary fairness and due process,” aniya.
Binigyang diin din ni Cayetano ang Senado ang may tungkuliln na timbangin ang panahong ginugugol, mga gastusin ng pamahalaan, at atensyon ng publiko sa impeachment proceedings kaugnay ng iba pa nitong mga responsibilidad.
Sinabi niyang hindi lamang ang paglalabas ng hatol ang dapat isaalang-alang ng mga senador. Kailangan din nilang pag-isipan kung paano huhusgahan ng kasaysayan ang kanilang mga naging desisyon, lalo na kung ang pagtatapos ng paglilitis ang magiging pangunahing batayan ng kanilang mga hakbang.
“We have to do what has to be done. We have to be in the moment and there are certain things we believe have to be done. I don’t want to look back 10 years from now and say that ‘just so matapos natin ito [impeachment trial] by November’ kasi marami nang issues. Dadagdagan pa ba natin ito with that?” wika ng senador.