Advertisers
NAGBIGAY ng abiso ang Meralco sa mataas na singil sa kuryente sa mga consumer dahil sa banta ng Super El Niño.
Dahil sa matinding tagtuyot, asahan ang mataas na power demand at ang pagsipa rin ng presyo sa wholesale electricity spot market.
Dagdag pa ng Meralco, tumataas umano ang mataas na singil sa kuryente dahil din sa mataas na demand nito, lalo na sa mga panahon na kulang ang supply. Inaasahan ito sa panahon ng matinding dry spell sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, makararanas ang bansa ng kakaunting ulan ngayong Oktubre na magtatagal hanggang Marso o Hunyo sa taong 2027.
Halos 40 na probinsya naman ang inaasahang makakaranas ng maliit na tyansa ng pag-ulan dahil sa Super El Niño. Sa oras na tumuntong ang Enero sa susunod na taon, aasahang dodoble ang bilang nito sa 80 na probinsya.
Binigyang babala naman ng US-based Climate Impact Lab na aabot umano sa 6,500 ang maaaring masawi dahil sa mga heat-related case sa Pilipinas mula sa Pebrero sa taong 2027 dahil sa banta ng El Niño.