Advertisers
MARIING iginiit ni Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro na ang China at hindi ang Pilipinas ang tunay na troublemaker o nagdudulot ng gulo sa rehiyon.
Sinabi ng kalihim na ang panggigipit at agresibong aksyon ng Beijing ay walang katuwiran at nagpapataas lamang ng tensyon sa mga karagatan.
Tinawag din ni Teodoro ang tinaguriang nine-dash line claim ng China bilang pinakamalaking imbento at kasinungalingang ipinapakalat ng naturang bansa sa buong mundo.
Ayon sa kaniya, malinaw na ang mga ginagawa ng Beijing ang tunay na nagbabanta sa kapayapaan at hindi ang pagtatanggol ng Pilipinas sa sarili nitong pambansang soberanya.
Nanatili naman ang komitment ng pambansang depensa na protektahan ang teritoryo at mga karapatang pandagat ng bansa alinsunod sa batas pandaigdig.