Advertisers

Advertisers

HINDI GINAGAWANG ‘PUNCHLINE’ ANG KAPANSANAN — SEN. ERWIN TULFO

0 35

Advertisers

Mariing kinondena ni Sen. Erwin Tulfo ang pangungutya kay Joshua Aquino, anak ng celebrity na si Kris Aquino, sa isang podcast ng ‘Machong Chismisan,’ kung saan tinawag siya na “walang kwenta.”

Isang kabalintunaan na kung sino ang walang kapansanan, sila pa ang tila may kakulangan sa pag-intindi at sensitibidad sa mga pinagdadaanan ng mga persons with disability (PWD), anang Senador.



Kung nagagawa umano ito sa mga PWD na mula sa mga kilalang pamilya, ‘paano pa kaya ang diskriminasyon sa mga ordinaryong Pilipino na PWD?’

“Idinidiin ko: Hindi ginagwang punchline ang kapansanan,” ayon pa kay Tulfo.



Hindi umano kasalanan ng isang tao na magkaroon ng kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon para sa mga kababayan nating PWD.

“Malayo na ang narating ng ating bayan para sa proteksyon ng mga PWDs. Ngunit, patunay ang insidenteng ito na malayo pa ang tatahakin natin,” pahayag pa ni Tulfo.



Kaya naman tinitiyak umano niya na patuloy niyang isinusulong ang mga polisiyang pro-PWD tulad ng Senate Bill No. 1405 na magtatakdang gawing ‘lifetime’ na ang validity ng PWD ID ng may mga permanenteng kapansanan, gayundin ng Senate Bill No. 1830 o pagbibigay ng mas maayos na access sa mga PWDs sa mga tourism sites.

“Hindi po tayo natatapos sa pag-kondena. Patuloy po ang totoong pakikipaglaban natin para sa mas maayos na karapatan ng mga may kapansanan sa bansa,” dagdag pa ni Tulfo. (JERRY S. TAN)