Advertisers

Advertisers

OGIE ALCASID, ‘DI NANINIWALANG KUPAS NA ANG STAR POWER NG MISIS NA SI REGINE VELASQUEZ

0 35

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi kumukupas ang ningning ng isang tunay na legend! Ipinagtanggol ni Ogie Alcasid ang misis na si Regine Velasquez matapos nitong sabihin noon na tila nag-fade na ang kanyang star.

Sa panayam ng PEP.ph matapos ang matinee show ng LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-Ibig, sinabi ni Ogie na hindi siya sang-ayon sa pahayag ni Regine.



“No. There’s no such thing. She will forever be a shining star in our industry. And that will never ever be forgotten,” saad ng singer-songwriter.

Para kay Ogie, hindi matatawaran ang naiambag ni Regine sa industriya ng musika at entertainment. Aniya, ibinigay ng Asia’s Songbird ang puso, passion, at dedikasyon niya sa kanyang trabaho.



Samantala, nakatakdang idaos ni Regine ang kanyang huling big concert sa Oktubre 17, 2026, habang patuloy na kinikilala ang kanyang legacy sa OPM.

Para kay Ogie, maaaring magbago ang panahon, pero ang tunay na legend, hindi kailanman malilimutan!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">