Advertisers

Advertisers

Bulacan cop nambugbog ng misis sibak sa serbisyo

0 28

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) si Corporal Almar Jerome P. Dela Cruz nang mapatunayang ‘administratively liable’ sa pananakit sa kanyang live-in partner.
Ayon sa Napolcom, nagkasala si Dela Cruz ng ‘grave misconduct’ at ‘conduct unbecoming of a police officer’ nang nitong paulit-ulit na suntukin, hampasin ang kanyang partner hanggang mawalan ito ng malay noong Marso 12, 2026.
Ibinatay ng komisyon ang desisyon sa CCTV footage, mga pahayag ng pulis at sa kanyang public admission na mali ang kanyang ginawa.
Isinaalang-alang din sa imbestigasyon ang hiwalay na insidente noong Hunyo 2025 kungsaan sinasabing sinipa at minura rin ni Dela Cruz ang kanyang partner.
Bagama’t nagsumite kalaunan ng ‘affidavit of desistance’ ang complainant, sinabi ng Napolcom na hindi awtomatikong natitigil ang administrative case dahil sa pribadong areglo kung may sapat na ebidensiya ng misconduct.
Bukod sa dismissal, kanselado rin ang police eligibility ni Dela Cruz at mawawala ang kanyang retirement benefits maliban sa accrued leave credits. Permanente rin siyang disqualified na muling ma-kapagtrabaho sa alinmang government office o government-owned and controlled corporation.(Mark Obleada)