Advertisers

Advertisers

Cayetano pinaigting ang panawagang muling pag-isipan ang K to 12

0 32

Advertisers

“Do we have the money for K to 12? And if not, what do we do?”

Matapos ang ilang taon ng patuloy na pagsusulong ng kanyang adbokasiya, hiniling ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes na pormal na talakayin sa sektor ng edukasyon ang tanong na ito, kasabay ng talakayan sa Senado hinggil sa panukalang 2027 budget ng Department of Education (DepEd).



“We’re looking for a breakthrough,” diin ni Cayetano sa pagdinig noong October 16.

“So may I ask for your permission that we start the debate today [on] whether or not we keep K to 12 in the next five years, or we take out one or two years?” wika niya sa DepEd.



Ayon kay Cayetano, nagkakaisa naman ang lahat na mahalaga ang dagdag na classrooms, mas maayos na internet access, at feeding programs.

Para makamit aniya ang inaasam na kalidad ng sistema ng edukasyon, ang tunay na tanong na dapat pagdebatehan at sagutin ay kung may sapat bang pera ang gobyerno para pondohan nang buo ang implementasyon ng K to 12.



Umapela si Cayetano kay Education Secretary Sonny Angara na pormal nang simulan ang talakayan sa pamamagitan ng “inventory” ng mga pasilidad at iba pang resources ng bawat paaralan. Mula sa datos na ito ay matutukoy kung kaya bang punan ng gobyerno ang mga kakulangan gamit ang pondong mayroon ito.

“If we’re going to have a debate on how to improve the education system… (we) have to start with the inventory,” aniya.

“Have a checklist. A perfect school will have this: a clinic, a guidance counselor’s office, a covered court, a music room, et cetera. Then we do a score of our schools, [pwedeng] per region, per congressional district,” aniya.

_*Bawasan ng dalawang taon*_

Dahil sa malaking pondong kailangan para maipatupad nang buo ang K to 12, muling isinulong ni Cayetano ang panukalang bumalik sa K to 10.

“We have to make a radical decision. Do we fully fund K to 12? And if we do that, we might have to add maybe another P500 billion — and I don’t know where to get that,” pahayag ng senador.

“Or, do we take the hard decision of taking out muna one year, K to 11 or K to 10 tayo, and focusing where it’s needed to be focused?” dagdag niya.

Paliwanag ni Cayetano, sa pag-alis ng dagdag na dalawang taon, may pondong agad na maililipat para mapalaki ang pondo kada estudyante, mabawasan ang siksikan sa mga klase, mapahaba ang oras ng pasok, at mapahusay ang pagkatuto ng mga bata.

“If you take out the two years now, I’m not saying there won’t be a problem, but your per capita and many of your problems [will be solved],” aniya.

Tinukoy niyang modelo ang Philippine Science High School, kung saan mahigit P224,000 aniya ang ginagastos ng gobyerno sa bawat estudyante, hanggang 30 lang ang estudyante sa bawat classroom, at maghapon ang oras ng klase.

Malayo aniya ito sa mga pampublikong elementarya at high school sa ilalim ng DepEd, kung saan may mga classroom na 70 hanggang 100 estudyante ang nagsisiksikan at P34,960 lamang ang ginagastos kada mag-aaral. Marami ring paaralan ang lima hanggang anim na oras lang ang pasok dahil napipilitan mag-shifting.

Binigyang diin ni Cayetano na malaki ang epekto ng kalidad ng edukasyon sa kinabukasan ng bansa.

“When you look at the education system now, you can tell what kind of Philippines you will have 10 to 15 years from now,” aniya.

“If we can somehow get the spending closer to what we’re doing with Philippine Science High School, rather than what we’re doing with our public schools now, then we’ll have a better Philippines,” dagdag niya.