Advertisers

Advertisers

Reporter sinaktan ng pulis sa rally

0 40

Advertisers

KININDENA ng Bulatlat at ilang media groups ang paggamit ng puwersa ng mga pulis laban sa isang reporter habang nagko-cover ng kilos-protesta sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City nitong Lunes.
Makikita sa video na kumalat online na pinipigilan ng mga pulis si Bulatlat reporter Ernest Cruz, habang paulit-ulit niyang sinasabing miyembro siya ng media at ipinapakita ang kanyang press ID.
Nangyari ang insidente habang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga pulis at mga nagkakampong demonstrador sa DAR hinggil sa lugar na maaari nilang gamitin para sa protesta.
Nanawagan ang Bulatlat na imbestigahan ito ng Commission on Human Rights ang insidente.
Kinondena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nangyari, iginiit na dapat maprotektahan ang mga mamamahayag habang ginagampanan ang kanilang trabaho. Ayon sa grupo, ipi-nagbabawal sa ilalim ng kasunduan ng National Police Commission at Presidential Task Force on Media Security noong Oktubre 2025 ang paggamit ng puwersa laban sa media workers.
Samantala, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na iniimbestigahan nito ang insidente.
Batay sa paunang ulat ng QCPD, nagkaroon ng verbal altercation sa pagitan ni Cruz at mga pulis at sinasabing nagmura at sumipa ang reporter sa ilang personnel, dahilan upang pigilan siya ng mga awtoridad. Kalaunan ay pinalaya rin siya.
Sinabi ng QCPD na aalamin nito ang buong pangyayari at ibabatay ang anumang susunod na hakbang sa ebidensiya, umiiral na batas at due process.
May iba pang media workers na iniulat na nasaktan sa protesta, kabilang ang isang campus journalist na ayon sa College Editors Guild of the Philippines ay naapakan umano ng mga pulis.
(Boy Celario)