Advertisers

Advertisers

‘Machong Chismisan’ host isa lang sumipot sa NBI

0 41

Advertisers

ISA lamang sa limang host ng podcast na “Machong Chismisan” ang humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, Oktubre 20, bilang tugon sa subpoena kaugnay ng mga pahayag nila tungkol kay Joshua Aquino, anak ni Kris Aquino na may autism.
Dumating sa tanggapan ng NBI sa Pasay City ang content creator at podcast host na si Daniel Lawrence Vivar kasama ang kanyang abogado pasado ala-una ng hapon.
Tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa mga reporter.
Hindi nakadalo ang kapwa host na si Tito P dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.
Sa liham ng kanyang abogado sa NBI, nakasaad na maaaring lumala ang kanyang attention-deficit/hyperactivity disorder o ADHD at bipolar disorder kung dadalo siya sa pagdinig, ayon sa ulat ni John Consulta.
Ipinatawag ng NBI ang mga host bilang bahagi ng imbestigasyon sa posibleng paglabag nila sa ‘Magna Carta for Persons with Disability’, partikular ang mga probisyong nagbabawal sa pangungutya at paninirang-puri sa mga taong may kapansanan.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa isang viral episode ng naturang podcast, na binura na, kungsaan ginawang katatawanan ng ilang host si Joshua, kabilang na ang pagtawag sa kanya na “walang kuwenta.”