Advertisers

Advertisers

ANTI VICE AT ANTI SMUGGLING OPERATION SA CALABARZON, PALPAK!

0 371

Advertisers

TOTOO kaya ang napapabalita na pagkawala ng isang Muslim trader habang nasa custody ng isang unit ng Batangas PNP Provincial Office kamakailan? Ang nawawalang Muslim trader ay kamag anak ng isang opisyal ng CIDG na pansamantalang di pinangalanan.

PNP Acting Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay, Tanauan City Mayor Sonny Collantes at Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon

Labing isang police operative na pinamunuan ng isang police captain ang responsable sa pagkawala ng Muslim trader na may address sa Calamba City at Batangas City.



Ayon sa kamag anak ng negosyanteng Muslim na nakiusap na huwag banggitin ang kanilang mga pangalan, ay napagsuspetsahan ang biktima na sangkot sa cigarette smuggling.

Matapos na arestuhin ito noong October 9, 2026 sa Batangas ay hindi na muli pang nakita ng kanyang mga kaanak. Kasamang nawala ang tinatayang Php 5M na kontrabandong sigarilyo na nakumpiska sa negosyanteng Muslim. Isa na naman kayang katulad na kaso ito ng mga missing sabungero?



Bukod sa police captain na di muna pinangalanan, ay kasama din sa raiding team ang isang pulis na si alyas Adie na operator ng sakla sa Sto. Tomas City at sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas.

Batay sa dokumentong nakalap ng SIKRETA ay iniutos na ni CIDG Dir. MGen. Robert Alexander Morico na magsagawa ng masusing pagsisiyasat hinggil sa kasong “Disappearance” ng Muslim trader na iniulat na nawala simula nang damputin ito ng labing isang police operative noong October 9, 2026.



Sakaling hindi na makita ang biktima at ang mga nakumpiska ditong bulto ng smuggled cigarette ay mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention ang haharapin ng mga police operative. Non-bailable ang kasong malamang na bunuin ng mga naturang operatiba na pawang nakatalaga sa Batangas PNP Provincial Office.

Marahil nabaling ang atensyon nina BGen. Baccay sa pagkawala ng muslim trader kaya’t di ng mga ito inaaksyunan ang mga inerereklamong sugalan na front ng bentahan ng shabu sa Tanauan City at bayan ng Nasugbu.

Nagiging “eye sore” sa ipinagmamalaking siyudad ni Tanauan Mayor Sonny Collantes ang mga sugalan na sinanggahan lamang ng tolda sa tabi ng “Ihawan sa Tanauan”, na nasa mataong lugar ng Mabini Ave., Brgy. 2.

May mukha pa bang ihaharap sina Mayor Collantes at Police Chief Lt. Col. Atty. Caesar Ian Binucal sa mga taga Tanauan sa harap ng umuugong na balitang may milyones na payola ang ilang mataas na city hall at police official upang kunsintihin ang pagbebenta ng shabu sa mga pwesto ng color games, drop balls, cara y cruz (Tao-Ibon) at pimpong sa barangay Brgy. 2 na sakop ng isang Chairman Piamonte?

Ang mga notoryus na drug pusher na sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon ang kinumpirma sa SIKRETA na halinhinang nagsu-supply ng shabu gamit na front ang pwesto ng sugalan sa kahabaan ng A. Mabini Ave., Brgy. 2, Tanauan City at sa Brgy.3 sa bayan ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon.

Isang alyas Baby Tomboy ang kapitalista nina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon. Tinaguriang “CALABARZON Shabu at Pergalan Queen” si alyas Baby Tomboy ay may malalim na koneksyon sa mga tanggapan ng PNP Region 4A, CIDG RFU 4A at Batangas PNP Provincial Police Offices at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) Regional Office.

Kailangang kumilos na din sina BGen. Baccay at Col. Ebora laban sa mga pergalan/shabuhan na pinatatakbo nina alyas Glenda sa Brgy. Alupay, Rosario; alyas Edith sa bayan ng Mabini at alyas Mundo sa Poblacion, Calaca City, pawang sa Batangas.

Sibakin na din dapat ang 20 saklaan sa Lipa City nina alyas Oying, alyas Glen Figaro at policewoman alyas Sgt. Michelle na di kayang sawatain ni Lipa City Police Chief Lt Col. Aleli Buaquen?

May walong sakla naman ang pinatatakbo ng dalawang pulis sa mga barangay ng Reparo, Lumbangan, Brgy. 4, Manggahan, Bucana at Tumalim sa bayan ng Nasugbu. Nagmumukha tuloy Kenkoy at inutil laban sa sakla si Nasugbu Police Chief Lt Col. Angelito Guardian.

May pasakla din sina alyas Tisoy, alyas Nonit at alyas Jeff sa bayan ng Padre Garcia; sakla nina alyas Danny at alyas Mayor sa mga bayan ng Lemery, Agoncillo at San Nicolas; sakla ni alyas Morpe sa bayan ng Rosario; sakla ni Ronnel ng bayan ng San Juan; sakla ni alyas Kap Mike sa mga bayan ng San Luis at Alitagtag; sakla ni alyas Digo sa Poblacion at Lumbangan sa bayan ng Tuy at sakla ni alyas Arnaiz sa bayan ng Taysan. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144