Advertisers

Advertisers

Isabel Rivas, Proud sa Renewal of Vows nina Richard Chua at Nadine Samonte

0 25

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Love was definitely in the air sa intimate renewal of wedding vows ng aktres na si Nadine Samonte at ng kanyang mister na si Richard Chua, anak ng aktres na si Isabel Rivas

Ginanap ang seremonya sa Tagaytay noong Miyerkules, October 28, bilang pagdiriwang ng kanilang ika-13 anibersaryo ng kasal.



Matatandaang ikinasal sina Nadine at Richard noong October 2013 sa isang pribadong seremonya sa farm ng mother dearest ni Richard na si Isabel sa Iba, Zambales.

Kasama ng mag-asawa sa kanilang espesyal na araw ang tatlo nilang anak na sina Heather, 10; Titus, 7; at Harmony, 4, gayundin ang kanilang malalapit na kaanak at kaibigan.



Kabilang sa mga dumalo sa espesyal na okasyon ang pinsan ni Richard na si Marco Gumabao, gayundin ang mga personalidad sa showbiz na sina Lorna Tolentino at Cory Quirino. Siyempre, present din ang mother dearest ni Richard na si Isabel Rivas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Isabel sa lahat ng nakisaya at naging bahagi ng espesyal na pagdiriwang ng kanyang anak na si Richard at manugang na si Nadine Samonte Chua.



Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Isabel kung gaano kasaya at kahalaga sa kanya ang naturang okasyon na naganap noong Oktubre 28, bilang pagdiriwang sa 13 taon ng pagsasama nina Richard at Nadine.

Ani Isabel, “Friends, 10/28/26 is one of the best, if not the super best, days in my life. My son Rboy & wife Nadine Chua’s renewal of vows after 13 years of marriage & now have 3 amazing children, Heather, Titus & Harmony, who witness their parents’ love that brought them to this world.

“Thank you, my Lablab Victoria Lorna Fernandez & Queen Maker Ms. Cory Quirino, for your love for the family. God’s blessings to family & friends who are family to Rboy & Nadine. Thank you all who made the celebration an unforgettable one.”

Ibinahagi rin ni Isabel ang kanyang tuwa nang tumugtog ng violin ang apo niyang si Heather Sloane Chua, panganay na anak nina Richard at Nadine, para sa first dance ng kanyang mga magulang.

“Heather our Love played the Violin for the First Dance of Her mom & Dad… very heart warming & sooo beautiful to watch!!” ani Isabel.

Samantala, naging usap-usapan din sa social media ang kakaibang dessert na inihanda nina Richard at Nadine para sa kanilang mga bisita.

Dahil Tagaytay ang venue ng kanilang renewal of wedding vows, may lokal na twist ang dessert na tinawag na “The Heart of Taal.” Agad itong nakakuha ng atensiyon at papuri mula sa mga bisita dahil sa witty at malikhaing konsepto nito.

Ibinahagi rin ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post ang larawan nila habang dumadalo sa naturang okasyon, kung saan makikita ang paghahain ng kakaibang dessert.

Aliw na aliw naman si Yasmien sa naisip na konsepto ng catering team.

Aniya, “Aliw ng #WeddingMenu nila Nadine Samonte Chua at Rboy Chua sa wedding Ang witty at kakaiba ng dessert nila! Since Tagaytay ang venue, pati dessert may sariling twist ‘The Heart of Taal’

‘Aliw na aliw ako! Hahaha! Ang galing ng concept!'”

Isang malaking congratulations kina Richard at Nadine. More years of love and happiness sa inyong dalawa.