Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Ang apat sa cast ng seryeng Born To Shine mula sa GMA 7 na sina Sheryl Cruz, Roselle Nava, Tina Paner at Manilyn Reynes, ay magkakaroon ng US Tour, kasama si Renz Verano. Ito ay ang Timeless US Tour 2027, na gaganapin sa March ng susunod na taon.
Sa concert, siguradong kakantahin ng limang icons ang mga sumikat nilang song before. Si Sheryl ay ang kanyang Mister Dream Boy, Tina ay ang Tamis ng Unang Halik, Roselle ay ang Bakit Nga Ba Mahal Kita, Renz ay ‘yung Remember Me at Manilyn ay ang Sayang Na Sayang.
Ito ang first time na magsasama-sama ang limang mahuhusay na singers sa isang concert. Salamat na lang at nagkasama sina Sheryl, Roselle, Tina, at Manilyn sa nasabing serye.Kaya nagkaroon ng idea ang kanilang producers na pagsamahin nga sila sa isang concert with matching Renz pa.
Siguradong papatok ang kanilang US Tour. Marami kasing tayong mga kababayan na naka-base na sa US ang sabik na makita silang nagpi-perorm sa stage.
Ang Tour Dates and locations ng kanilang concert ay Los Angeles, California:March 26, San Diego California: March 27 at Las Vegas, Nevada on March 27.
Noon pa pinagdududahan ang gender ng isang not-so-young actor.Malamya kasi siyang kumilos at never pang nagkaka-girlfriend.
Pero sa mga interview niya,lagi niyang sinasabi na straight siya.
Eto na,ayon sa aming reliable source,bading daw talaga si NSYA.
May boyfriend daw ito na nagwo-work sa isang malaking kumpanya.At tatlong taon na raw ang relasyon nila.
Ang source namin ay kaibigan mismo.ng dyowa ni NSYA.
Sino ang bida sa aming blind item? Gabi-gabi siyang napapanood sa serye. Mahusay siyang aktor pero never pang nagka-award.