Advertisers

Advertisers

Ruru first time nagbahag

0 29

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

First time na makikita kung pwetmalu si Ruru Madrid sa pelikulang “Los Salvajes Bravos” na kalahok sa 2026 Metro Manila Film Festival.

Sa mga post niya at maging pagrampa sa fashion events ay never pa siyang nag-underwear o nagpasilip ng puwet.



Aniya, noong i-offer daw sa kanya ang role ng katutubong Igorot na si Purganan ay wala rin siyang ideya na kailangan niyang magbahag.

“Noong una po, hindi. Wala pa, wala pa… Noong binasa ko po iyong script, ako po mismo iyong nagprisinta” ani Ruru.”Na parang importanteng magbahag din si Purganan. Kasi, kasama siya, eh. Kasama siya doon sa mga Pilipinong nandoon.So, bakit hindi siya magbabahag just because hindi pa ako nag-a-underwear sa mga billboards o sa mga post, di ba?



Parang ayoko naman pong limitahan yung sarili ko doon. Definitely, kung pag-uusapan natin ay pagbi-brief sa mga billboard or sa mga magazine or sa mga post, ibang usapan yon.

“Pero kung ang pinag-uusapan natin ay character at ito po yung istorya niya — kahit bahag yan, kahit nakalabas po yung puwet ko diyan — ay kailangan! Kailangan kong gawin,”dugtong niya.
Malaking challenge rin daw sa kanya ang pagsusuot ng bahag dahil ten days itong kinunan sa Espanya.



“Actually itong experience na ito, medyo mahaba po yung naging proseso.Dahil definitely yung… kasi, never pa po akong nag-underwear sa mga post ko or something.

Lagi lang po akong topless tapos pantalon or di kaya shorts.

“Pero noong binasa po namin yung script at naipaliwanag din po nina Direk [Paolo Dy] kung gaano po kaimportante yung pagsusuot ng bahag sa pelikulang ito, ako na po mismo yung nakiusap sa management ko…

Na siyempre, iniingatan po nila kung ano po yung mga puwede kong gawin. Sabi ko, ‘Importante po na magawa ko po ito, at gawin ko ito sa pelikulang ito, dahil yun talaga ang hinihingi ng materyal, e.’

Yun po ang hinihingi ng istorya. Kumbaga, hindi lang naman ako… ayoko rin namang limitahan yung sarili ko just because meron akong iniingatan or parang meron akong ayaw ipakita.

“And I guess hindi naman siya to, you know, to sexualize or para magmukha siyang bastos.

“But ipinapakita po natin dito na yun po talaga ang isinusuot nila. So, yun po. Abangan na lang po natin!

“Ang pinaka-challenging doon ay yung malamig.Siyempre po, pagka malamig, alam naman po natin ang itsura pagka nakabahag po tayo, nakalabas po iyong dalawang bahagi po ng pisngi ng ano ko po,” pagbabahagi niya .

Malaki rin ang pasasalamat ni Ruru dahil napansin siya ng producers ng pelikula dahil sa kanyang award-winning performance sa “Green Bones” kung saan nagwagi siya ng best supporting actor noong ika-50 edisyon ng MMFF.

“Dahil po sa Green Bones, kaya po mai-consider nila ako sa role. Dahil din po sa Green Bones kaya nagkaroon ako ng Cinemalaya movie,” bulalas niya.

Ang “Los Salvajes Bravos” ay tumatalakay sa kuwento ng mga katutubong Pilipino na itinanghal bilang mga “human display” sa Exposicion General de las Islas Filipinas noong Hunyo 30-Oktubre 30, 1887 sa Parque del Buen Retiro sa Madrid, España.

Bukod kay Ruru Madrid, bida rin dito si Romnick Sarmenta bilang beteranong Igorot na si Ismael Alzate.

Mula sa produksyon ng Jesuit Communications na siyang producer ng MMFF 2023 official entry na GomBurZa at sa direksyon ni Paolo Dy, tampok din sa historical film na ito sina

Michael de Mesa, Christian Vazquez, Jojit Lorenzo, Arnold Reyes, Elora Españo, Paolo O’Hara, Javier Godino, Joel Saracho, Andreas Muñoz, Michael Roy Jornales, Aya Sarmiento, Miguel Vasquez, JM Salvado, Roven Alejandro, Shagem Sumayag, DMs Boongaling, Kenshin Lagutan, at Aaron Kaiser Garcia.