Advertisers

Advertisers

Marvin 2 taon nang may Bib Gourmand Award mula sa Michellin Guide

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

Isa na namang karangalan ang nakamit ng aktor at negosyanteng si Marvin Agustin matapos muling kilalanin ng prestihiyosong Michelin Guide ang restaurant niyang Cochi by Marvin.

Sa ikalawang sunod na taon, napabilang ang Cochi sa mga restaurant na ginawaran ng Michelin Bib Gourmand distinction, isang pagkilalang ibinibigay sa mga kainan na naghahain ng de-kalidad na pagkain sa makatwirang halaga.



Ibinahagi ni Marvin ang magandang balita sa kanyang Instagram account kung saan ipinahayag niya ang kagalakan sa panibagong pagkilala sa kanyang restaurant.

“For the second year in a row, COCHI By Marvin has been awarded the MICHELIN Bib Gourmand!” post ng aktor.



Hindi rin kinalimutan ni Marvin na bigyang-pugay ang kanyang mga kasamahan sa restaurant dahil para sa kanya, hindi lamang ito personal na tagumpay kundi bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong team.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga netizen at tagahanga ng aktor.



May ilan pang nagpahayag na bibisitahin nila ang Cochi sa susunod nilang pag-uwi sa Pilipinas, habang may iba namang excited na sa kanilang nakatakdang reservation sa restaurant.

Ayon sa Michelin Guide, ang Bib Gourmand ay isang espesyal na pagkilala sa mga restaurant na naghahain ng masasarap at de-kalidad na pagkain sa magandang halaga, kaya mas maraming diner ang nagkakaroon ng pagkakataong makatikim ng natatanging culinary experience.

Unang nakatanggap ng naturang pagkilala ang Cochi noong Oktubre 2025 at ngayong 2026 ay muli itong napabilang sa listahan.

Matatandaang nang unang makamit ang Michelin recognition, ibinahagi ni Marvin ang kanyang pinagdaanan bago marating ang tagumpay na ito.

Mula sa pagiging mascot hanggang sa pagkakaroon ng restaurant na kinilala ng Michelin, hindi raw naging madali ang kanyang paglalakbay.

“From being a mascot to receiving a Michelin Bib Gourmand — life has shown me that dreams do come true. There were moments I almost gave up. But I learned that in your toughest times, that’s when you need to hold on tighter,” saad niya noon.

Dagdag pa niya: “Never stop believing — especially in yourself.”

Hindi lamang sariling tagumpay ang ipinagdiwang ni Marvin kundi pati ang pag-unlad ng culinary industry sa Pilipinas, kung saan binati rin niya ang mga chef, restaurant teams at iba pang personalidad na naging bahagi ng naturang pagkilala.