Advertisers

Advertisers

ISULONG DECRIMINALIZATION NG BATAS SA LIBEL, CYBERLIBEL

0 37

Advertisers

MAAARI kong sabihin na ang pinakamagandang resulta ng pag-aresto sa akin noong Oktubre 24 ay ang paglaganap sa damdamin sa mga mambabatas na kailangan ng “decriminalization” ng mga batas sa libel at cyberlibel. Dumating na ang panahon sa pagturing sa libel at cyberlibel bilang krimen. Hindi sila krimen kundi pag-aglahi sa karapatang sibil ng isang nilalang.

Hindi tama na tawagin na “People of the Philippines versus” kung sinuman ang inakusahan ng libel at cyberlibel. Ang ibig sabihin ay civil case na lang ang libel at cyberlibel. Hindi maaaring makulong ang inakusahan. Ang tanging parusa ay multa sa sinuman nilalang na sa pakiwari niya ay nayurakan ang kanyang pangalan at dangal dahil sa nalathalang ulat.

Dahil sa aking pagkakaaresto dahil sa reklamo ni Manash Carpio, maybahay ni Misfit Sara, nanguna si Prosecutor General Richard Fadullon na kumilala na walang tamang proseso (due process) sa pagdakip sa akin. Binatikos ni Ombudsman Boying Remulla ang karaniwang maling gawain na gamitin ang maling address ng inakusahan. Raket umano ito, aniya.



Nangunguna si Senior Deputy Minority Leader at Kin. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party List sa mga nagsusulong sa Camara de Representantes ng decriminalization ng mga batas sa libel at cyberlibel. Ipinahayag niya na naghahanda siya ng panukalang batas dito.

“Laws are being used by powerful and influential people to stifle dissent, attack press freedom, and weaken democracy,” ani de Lima. Tinawag niya itong “lawfare” kung saan ang batas mismo ang ginagamit sa pang-aapi ng mga makapangyarihan at labis na mayaman. Kahit si de Lima ay nahaharap sa cyberlibel na isinampa ng isinukang lider kulto na si Apollo Quiboloy na nagpapanggap na “anak” ng Diyos.



“False speech should still have consequences via civil damages, not imprisonment — criminal cases built to silence journalists go beyond accountability,” ani de Lima. Biktima si de Lima sa maling paratang at disinformation na ikinalat ni Gongdi na kasalukuyang nakakulong sa piitan ng ICC sa The Hague. Nakulong si de Lima ng pitong taon batay sa maling paratang.

Isinumite ni Kin Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City ng House Bill 6187 na nagpanukalang alisin ang jail term ng mula anim na buwan hanggang anim na taon sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code Section 4(c) at Section 4 ng Cybercrime Law. Ipinanukala niya ang multa ng P10,000 hanggang P30,000 kung napatunayang may sala ang inakusahan.



Sa kanya, ito ang decriminalization. Palitan ang parusa (penalty substitution). Pinakamadali ito, aniya dahil malinaw ang specific penalty structure, ani Rodriguez. Nakabinbin ang panukalang batas ni Rodrigues sa House Committee on Revision of Laws. Hindi ito kumikilos.

May panukalang batas rin ang Makabayan Bloc na naunang isinumite nina mga Kin. France Castro (ACT Teachers), Arlene Brosas (Gabriela), at Raoul Manuel (Kabataan). Muli itong isinumite sa kasalukuyang Kongreso ng mga mambabatas ng Makabayan, ngunit hindi pa ito inaksyunan ng komite ng Revision of Laws.

“Those laws should not be used as ammunition by abusive and corrupt officials to silence journalists. We want to seek full decriminalization and shift to civil remedies to ensure a broader press freedom package,” anila.

Hindi nalalayo si Kin. Terry Ridon ng Bicol Saro Party List at iba pang mambabatas. Nagpahayag ng pangamba si Ridon na gagamitin lang nga mga makapangyarihan upang kontrahin ang malayang pamamahayag. May inihahandang panukalang batas si Ridron sa decriminalization ng libel at cyberlibel.

Sa Senado, nangunguna si Sen. Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan bilang mga pangunahing tagatangkilik ng Senate Bill 250 na hindi nalalayo sa ipinanukala ni de Lima. Hindi nangahulugan na walang pananagutan ang maysala sa ilalim ng decriminalization ng mga batas sa libel at cyberlibel, ani Risa. Nandiyan ang mga danyos civil (civil damages) na maaaring maging mabigat para sa may sala, aniya.

Naaangkop ito sa UN Human Rights Committee General Comment 34 calling criminal libel incompatible with ICCPR Art 19, aniya. Sa Senate minority resolution noong ika-12 ng Mayo na humihiling sa pagsuko ni Bato, hiniling nila ang decriminalization ng libel. Kahit si Pangilinan ay naging target ng cyberlibel noong 2022.

Hindi kumilos ang mga panukalang batas sa decriminalization dahil kadalang hinawakan ng mga kaalyado ni Gongdi at Misfit Sara ang House Committee on Revision of Laws. Sandata ng pamilya Duterte ang cyberlibel laban sa kanilang mga kritiko.