Advertisers

Advertisers

Atras mga testigo ng depensa ni Sara

0 46

Advertisers

NAG-ATRASAN ang mga testigo ng defense team ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa pagpapatuloy ng Impeachment Trial sa Lunes, Nobyembre 9.

Unang umatras ang dating law dean na si Ralp Sarmiento. Ayaw n’ya raw maging bahagi ng impeachment. Gusto niyang maging malaya siya sa kanyang opinion bilang abogado.

Tumanggi rin daw ang apat na accounting firms na nilapitan ng defense team ni Sara para sa impeachment proceedings, ayon kay Prosecution Counsel, Atty. Lorna Kapunan.



“Balita namin, nag-approach sila ng apat na accounting firms na lahat na ’yun ay umayaw na mag-expert testimony,” sabi ni Kapunan sa “Sa Totoo Lang” ng One PH.

Tinanong din ang abogada kung hindi pa malinaw kung makakukuha ang depensa mula sa kanilang mga nilapitan.



“Wala pa. Unless kumuha sila ng taga-Davao na accountant, ’yung mga nagsa-sign ng financial statements ng companies nila. Pero ano naman ang weight… authority… ang competence ng isang accountant na hired by their companies or hired by the Vice President or her husband vs. the napakabigat na credentials ni Atty. [Alexander] Cabrera?”, paliwanag ni Kapunan.

Napakahirap naman talaga kasing ipagtanggol ang mga bagay na puno ng resibo o solido ang ebidensiya tulad ng bank accounts, return checks, BIR records at iba pang rekord mula sa mga ahensiya ng gobierno na concerned sa kaso.



Oo! Kahit sinong eksperto sa batas ay hindi oobra sa ebidensiyang malinaw pa sa sinag ng araw.

Ang tanging kaligtasan nalang ni Sara para hindi siya mapatalsik sa pagka-Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas ay ang makakuha siya sapat na boto sa mga aktibong senador sa impeachment trial.

Ang impeachment ay isang numbers game, ika nga. Kahit gaano kakapal at kalinaw ng iyong mga ebidensiya kung ‘di mo kaalyado ang maraming Senator-Judge ay mananatili ka sa kapangyarihan. Mismo!

Sa kasalukuyang bilang ng mga aktibong senador sa impeachment trial, nasa lima lamang ang mga bulag sa katotohanan, na siguradong papabor kay Sara. Ito’y sina Imee Marcos, magkapatid na Cayetano (Alan at Pia), Camille Villar at Robin Padilla.

Ang ibang DDS senators (Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada) ay suspendedo at nakakulong, habang si Ronald “Bato” Dela Rosa ay nagtatago dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC); si Loren Legarda ay nag-playing safe, nagpapagamot daw sa ibang bansa at posibleng sa 2027 na babalik sa Pinas.

Target ng prosekusyon na matapos ang impeachment ngayong buwean o sa unang linggo ng Disyembre.

Pero gumagawa raw ng delaying tactics ang depensa na umabot hanggang 2027 ang impeachment sa pamamagitan ng paghaharap ng maraming testigo.

Kapag umabot nga naman ng 2027, kungsaan mainit nang pag-uusapan ang 2028 presidential election, ang impeachment, maaring makaboto na sina Marcoleta at Estrada na matatapos ang suspension sa katapusan ng Disyembre, pati si Legarda. Mismo!

Ito ang rason kung bakit gusto nang tapusin ng prosekusyon ang impeachment, na ayaw mangyari ng depensa!!!