Advertisers

Advertisers

MARAMING TUTOL SA PAX SILICA

0 14

Advertisers

Nalalapit ang araw ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa subalit kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang pagkilos ng mga Kabataan higit ang mga mag-aaral sa Metro Manila. At totoo ang kasabihan na nauulit ang kasaysayan ng masilip ang paglalagay ng pansamantalang dingding malapit sa kabahayan ng mga maralitang taga-lungsod upang ‘di mapansin ng dadaan na mga kinatawan mula sa ibang bansa. Naalala mo pa ba ito Mang Juan? Walang banggit na sala ang gawa ngunit may-kahinaan ang pagsasantabi sa katotohanan na maraming Pinoy ang naghihirap sa ‘di mapag-abot na presyo ng bilihin at sahod ng mga manggagawa.

Malaking bagay sa pamahalaan na pasinayaan ang pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa higit sa pagpapabango ng liderato at pang-aakit ng mga mamumuhunan. Mahaba ang paghahanda sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa na maging ang pagpasok ng mga mag-aaral o ilang tanggapan sa pamahalaan ay pansamantalang ipinatitigil. At ‘di babangitin ang ilang pagpapatigil sa mga galawan sa paliparan ng bansa ng ‘di mabalam ang mga delegado mula sa iba’t – ibang bansa na darating para sa ASEAN Summit.

Sa likod ng paghahanda ng pamahalaan, ang mga Kabataan higit ang mga nasa Pamantasan at kolehiyo’y maagang nagpaabot ng pagtutol sa gawain sa dahilan ng malaking tustusin ang magaganap na babalikatin ng pamahalaan o ni Mang Juan. Sa totoo lang, ‘di ganap na tinututulan ng Kabataan ang pagdaraos ng Asean Summit maging ang tustusin, ang tinututulan, ang pagdalo ng pangulo ng Estados Unidos na kilala sa pagiging marahas sa ibang lahi. Sa totoo pa rin, silip ang pagiging masinsin sa paghahanda ang pamahalaan higit sa araw na inaasahang pagdating sa bansa ng pangulo ng EU. Pansamantalang ipapatigil ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa paglabas o pagpasok sa bansa sa pagtitiyak sa kaayusan at seguridad ng pangulo ng EU.



Sa Nobyembre 16, 2026, inaasahan ang pagdating ng pangulo ng EU at itinala ng Kabataang Pinoy ang pagdaraos ng mapayapang pagkilos upang ipabatid ang pagtutol sa pakikilahok ng EU sa usapin ng ASEAN. Sa banggit na araw, ipararating sa pangulo ng EU at ng bansa ang pagtutol sa lalagdaang kasunduan hinggil sa Pax Silica. Kasunduan, tinututulan ng Kabataan ang pagtatayo ng pagawaan ng “chips” ng bansang EU sa ating bansa. Sa totoo lang nabanggit sa mga pahayag ng mga tumututol ang lugar sa Gitnang Luzon ang Capas, Tarlac na magiging tahanan ng paggawaan ng mga “chips”.

Sa totoo lang, hinahanap ng mga tumututol ang pagiging bukas o lahad ng kasunduan. At naglalabasan ang mga tanong kung anong kagalingan sa bansa ang idudulot ng paglagda sa pagtatayo ng tahanan ng Pax Silica? Sino ang makikinabang, bayan ba o ang negosyanteng iilan? Ano ang epekto sa kapaligiran at sa mga naninirahan sa lugar? Ilan sa maraming tanong na dapat linawin sa mga lalagda sa kasunduan.



Sa pananaliksik, hindi ganap na makita ang kagalingan sa bansa ang pagtatayo ng bahay ng Pax Silica sa dahilang maraming katutubo higit ang mga Aeta ang tuwirang mawawalan ng kabahayan at kabuhayan sa ibinabalak na bahay ng Pax Silica. Muli, kabatiran na ang banggit na lugar sa Gitnang Luzon ang tahanan ng mga Aeta at ang itaboy sila sa ibang lugar ang salang gawa na matutumbasan ng salapi at ‘di katanggap-tanggap. Walang saysay ang kaunlaran kung nakakasira sa kaayusan ng mga taong naninirahan sa lugar at ‘di pa banggit ang epekto sa kapaligiran.

Ganap bang walang pag-aaral o sadyang ‘di ibig ipabatid ang kagalingan sa iilan, higit kay Mang Juan at sa mga Aeta na namuhay sa lugar sa mahabang panahon? Sa totoo lang, ‘di batid ang layon sa pagtatayo ng bahay ng Pax Silica sa bansa higit ang bansang malaki ang panibugho sa kagalingan ng Tsina higit sa usapin ng teknolohiya. Walang paghanga sa bansa ni Onse ngunit ang paglalahad ng kagalingan hanggang sa antas ni Mang Juan ang ibig maganap ng lumisan o mawala ang mga salang kuro – kuro na tila nalimot ng pamahalaan.



Karagdagang pananaliksik, nabatid na malaki ang pangangailangan ng itatayong bahay ng Pax Silica sa paggamit ng elektrisidad na kasalukuyang usapin sa bansa. Maraming naninirahan sa bansa higit ang nasa Gitnang Luzon at ilang bahagi ng kaMaynilaan ang nangangamba na maapektuhan ang daloy ng elektrisidad sa mga kabahayan higit sa panahon na tumatakbo o gumagana ang bahay ng Pax Silica. Ang hindi nalinaw na usapin ang alalahanin na dala ng mga tumututol higit sa panahon na silip ang mahal na bayarin sa kuryente.

Sa kabilang banda ng pagsasaliksik, nasilip na tulad na pangangailangan sa tubig higit ang likas na kalamigan na kailangan sa pagpapatakbo sa mga makina na lilikha ng Chips. Nabatid na mahalagang bahagi ang pangangailangan na mapababa ang temperatura ng makina na gumagawa ng chips higit sa panahon na malaki ang bilang na dapat magawa.

Ang mga usaping banggit ang ibig ni Mang Juan na matugunan ng mga opisyal na sangkot sa lagdaang magagawa. Hindi ganap na batid ang dami ng mga magkakaroon ng hanap-buhay kontra sa mga apektado. Ang ibig mabatid, walang maduduhagi sa pagtatayo ng Pax Silica sa bansa at ang tanging layon sa paglalahad sa magaganap na kasunduan. Sa totoo lang, malaki ang pangamba ng mga Kabataan sa paglalagay sa bansa ng malaking pasilidad na magmumula sa EU hindi dahil sa kulay ng balat, higit silip ang pangamba ng ‘di pagkakaunawaan ng Tsina at EU sa usapin ng interes sa rehiyon.

Hindi maitatanggi na malaki ang pagnanasa ng Tsina sa bansa at tila banta ‘di lang sa negosyo ang pagtatayo ng bahay ng Pax Silica sa bansa higit sa kaayusang pang kapayapaan. At sa pagkakataon na ‘di pagkakaunawaan ng dalawang higanteng bansa, ang Pinas ang nakasalang sa delubyo, higit kung magtutungali ang dalawang banggit. Hindi ibig ang pagtatayo ng Pax Silica sa bansa higit kung maisasalang ang bansa sa giyera na ‘di niya gawa.

Maraming salamat po!!!!