Advertisers

Advertisers

ASEAN SUMMIT

0 14

Advertisers

NEXT week mula November 16 hanggang 18, matutunghayan natin ang pagpupulong ng mga leader, senior officials, delegado at mga kinatawan ng bansang kabilang sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).

Magaganap ang ika-49th ‘ASEAN Summit and Related Summits’ sa Metro Manila, partikular na sa Philippine International Convention Center o’ PICC, at iba’t iba pang venue, na pamumunuan ni President Ferdinand Marcos Jr. at may temang – “Navigating Our Future, Together”.

Siya nga pala ang mga bansa ng ASEAN ay Brunei Darussalam; Cambodia; Indonesia; Lao PDR; Malaysia; Myanmar;
Philippines; Singapore; Thailand; Timor-Leste at Viet Nam.



Kaya naman idineklara ng Malacañang na special non-working days para sa National Capital Region o’ NCR. Dahil nga naghahanap ang mga kinatawan ng ASEAN sa mahalagang pagpupulong hinggil sa ekonomiya, seguridad ng rehiyon atbp.

Hayahay ang buhay lalo na sa mga may kaya-kaya dahil Lunes hanggang Miyerkules ang mga nasabing petsa at ang Sabado at Linggo naman ay November 14 at 15. May limang araw na pahinga ika nga. At ang mga may kaya-kaya ay pihadong may bakasyon grande.



Pero para sa mga kinatawan at maging mga taga-gobyerno malaking trabaho ito. Magiging busy din ang mga kalsada ng Metro Manila dahil nga kabi-kabila din ang mga pagpupulong, kaya nadeklara na holidays ang mga araw na nabanggit.

Nagsimula na din ang libreng sakay sa mga ‘modern jeepney’ sa mga piling lugar sa NCR. Mula naman November 5 hanggang 14 ito.



Pihadong tatatak na naman ang Pinas sa mapa sa kaganapang ito, kung maipakita natin ang kaayusan sa bansa. Mahalaga ang ating pakikiisa rito dahil isa itong oportunidad para ipamalas di lamang kagandahan ng bansa kung di pati pag-uugali ng mga mamamayan nito.

Yun mga makakagulo lamang, eh tama lang na magischedule na kayo ng inyong bakasyon grande sa buwan ng Nobyembre.