Advertisers

Advertisers

ANG ASEAN SUMMIT AT ANG 32ND DEFENSE & SPORTING ARMS SHOW 2026

0 18

Advertisers

Magandang pagkakataon ang pagiging host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit dahil hindi lamang nito maipapakita ang kakayahan ng bansa na magsagawa ng malalaking pagtitipon, kundi makatutulong din ito sa maraming Pilipino.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahigit 400 pagpupulong at aktibidad ang isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magbibigay ng trabaho at dagdag-kita sa mga manggagawa sa hotel, transportasyon, pagkain, manufacturing at iba pang sektor.

Mula sa mga mananahi, designer, artista at manggagawa sa produksyon hanggang sa mga driver, kusinero at kawani ng hotel, marami ang magkakaroon ng pagkakataong kumita dahil sa mga aktibidad na ito.



Kaya naman, mahalagang matiyak na ang mga oportunidad na dulot ng ASEAN Summit ay masundan pa ng iba pang proyekto at programa na magbibigay ng pangmatagalang trabaho sa mga Pilipino.

Aba’y sabi nga, ang tunay na tagumpay ng hosting ng Pilipinas ay hindi lamang nasusukat sa husay ng pagdaraos ng mga pulong, kundi sa kung paano nito mapapagaan ang buhay at madaragdagan ang kita ng ating mga kababayan.



Samantala, importanteng magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat indibidwal tungkol sa tamang paghawak at paggamit ng baril.

Hindi naman kasi ito basta kagamitan na maaaring gamitin nang walang sapat na pagsasanay at pag-iingat.



Kaugnay nito, magdaraos ang Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ng 32nd Defense and Sporting Arms Show 2026 – Part 3 sa November 18, 2026 sa Megatrade Hall, SM Megamall.

Maliban sa pagpapakita ng iba’t ibang baril, bala at kagamitan, magkakaroon din daw ng mga workshop at talakayan tungkol sa kaligtasan, responsableng pagmamay-ari at tamang paghawak ng baril.

Sa totoo lang, sinasabing magandang pagkakataon ito upang higit na maunawaan ng mga interesadong dumalo ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin tungkol sa mga baril.

Hindi raw dapat ituring na simpleng libangan o pagpapakita lamang ng mamahaling kagamitan ang ganitong aktibidad.

Tama nga naman, dapat na mas bigyang-pansin ang kaalaman at disiplina na kailangan upang maiwasan ang aksidente at maling paggamit nito.

Sa anumang pagkakataon, kaligtasan ng tao ang dapat manaig.

Sabi nga, ang pagkakaroon ng baril ay may kaakibat na malaking responsibilidad, kaya dapat laging pairalin ang pag-iingat, tamang kaalaman at pagsunod sa batas.
***
Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.