Advertisers

Advertisers

MGA MAGBABABOY SA ORIENTAL MINDORO, POSIBLENG MAKINABANG SA 60-ARAW NA IMPORT BAN

0 14

Advertisers

Pansamantalang ipinahinto ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng karne ng baboy sa loob ng 60 araw upang matulungan ang mga lokal na magbababoy na matagal nang dumaranas ng mababang presyo ng kanilang alaga.

Sa ilalim ng Department Order No. 33, saklaw ng suspensyon ang ilang sariwa, chilled at frozen pork products. Inaasahang magkakabisa ang pagbabawal sa Nobyembre 24, maliban kung mas maagang maipatupad sa pamamagitan ng kautusan ng Bureau of Customs.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., umaasa ang pamahalaan na tataas nang hindi bababa sa ?50 kada kilo ang farmgate price ng buhay na baboy.



Sa kasalukuyan, nasa ?140 hanggang ?150 kada kilo lamang ang karaniwang farmgate price sa bansa, habang tinatayang ?165 ang puhunan upang makabawi sa bawat kilo.

Noong Oktubre, nagtakda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ng inirerekomendang farmgate price na ?180 hanggang ?192 kada kilo sa ilalim ng Executive Order No. 58.



Mahalaga ang bagong hakbang ng DA sa Oriental Mindoro, na pangalawa sa pinakamalaking producer ng baboy sa MIMAROPA. Umabot sa 11,655 metric tons ang produksyon nito sa unang anim na buwan ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Nauna nang nanawagan si Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan noong Oktubre 20 na pansamantalang ipahinto ang pag-aangkat ng baboy upang maprotektahan ang mga lokal na magbababoy.



Samantala, umabot na sa ?27.9 bilyon ang tinatayang pagkalugi ng industriya ng baboy sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Sa naging meeting ng Committee on Agriculture and Food ng House of Representatives tinalakay dito ang problema ng mga hog raisers kaugnay sa mababang farm gate price ng baboy kumpara sa production cost nito na nag resulta sa malaking pagkalugi ng mga lokal na magbababoy
kaya nanawagan si Panaligan sa Department of Agriculture (DA) na irekomenda sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatigil muna ng importasyon ng karne.

Inamin rin mismo ng kinatawan ng DA sa hearing na sapat ang supply ng karne hanggang 172 days na lampas pa sa katapusan ng taon. Kaya walang pangangailangan na mag import pa ng karneng baboy.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com