Advertisers

Advertisers

Walang makalulusot sa Proj. KRIS at police visibility ng QCPD

0 12

Advertisers

Solved case agad…arestado agad sa loob ng ilan minuto ang dalawang holdaper kamakailan sa Loyola Heights, Quezon City.

Iyan ang resulta ng mabilisan aksyon ng Quezon City Police District (QCPD) bunga ng epektibong ipinatutupad na Project K.R.I.S. (Kabalikat, Report, Intervene, Samahan) ni QCPD District Director, PBrig. Christopher Olazo at ang pinaigting na police visibility sa mga lansangan.

Nitong Nobyembre 13, bandang alas-12:15 ng madaling-araw nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa B. Gonzales corner Esteban Abada St. nang tutukan ng kutsilyo at holdapin ng dalawang holdaper, sina alyas “Ron,” 31, at “Jon,” 19, kapwa taga-Barangay Pinyahan. Tinangay ang kanyang ?18,000 cellphone.



Inakala ng dalawang hunghang ay nagtagumpay na sila at makatatakas. Nagkamali ang mga loko-loko.

Dito maging epektibo ang Project K.R.I.S. na inilunsad kamakailan ni Gen. Olazo na isang community-based anti-crime initiative na nagbubuklod sa pulisya, mga barangay, at mamamayan bilang magkakabalikat sa pagpapanatili ng kaligtasan sa Lungsod Quezon.



Sa holdapan, nagawang makatakas ng biktima at humingi ng tulong, agad nag-report ang mga nakasaksing residente maging ang isang tricycle driver na tumangging maging get-away vehicle. At dahil nakaposisyon na sa paligid ang mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9) sa pamumuno ni Lt. Col. Maximo Beleo, kasama ang mga barangay tanod ng Loyola Heights, agad silang naka-intervene at nasukol ang dalawa. Nabawi ang cellphone at nakumpiska ang kutsilyo.

In short, sa pagbuklod-buklod ng mamamayan at pulisya na pangunahing layunin ng Project KRIS. lutas agad ang krimen. Nakakulong at kinasuhan na sa QC Prosecutors Office ang dalawang holdaper.



Sa mabilis na aksyon ng PS 9, mga barangay tanod, at ng mismong komunidad. Pinatutunayan lamang na kapag matibay ang samahan at pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng kapulisan at mga QCitizen, ang hatid ng police visibility sa kalsada ay proteksyon para sa lahat, lalo na sa mga lugar ng estudyante at komyuter, na paboritong tambayan ng masasamang loob.

Sa pangyayari, malinaw ang mensaheng hatid ng QCPD Station 9 sa mga kriminal…sa Quezon City, hindi uubra ang modus ng mga masasamang loob dahil ang kanilang makakalaban ay ang buong komunidad.