Advertisers

Advertisers

WANG’S BASKETBALL @ 31 AND BEYOND!

0 45

Advertisers

NAKA-KWENTUHAN muli ng inyong kakorner ang Isang household name na sa larangan ng BASKETBOL, ang dating player turned coach, team manager, team owner, league organizer at cage GODFATHER Alex Wang sa kanyang paboritong hangout na Han Pao sa me Puregold Shaw pagkatapos ng kanyang consistent na scrimmages at game with kabasketbolan sa Aquinas Gym.

Imagine higit nang tatlong dekada ( since Kendimint) ang kanyang ‘basketball for a cause’ at saksi ang Uppercut sa dami na ng kanyang na tulungang umangat at may narating na sa larangan.

Testamento ito na hangga’t nakapaglalaro pa ng basketball, dumidribol pa ang bola at kaya ng tuhod overload sa hardcourt,patuloy ang adbokasiya ni businessman/ sportsman Alex Wang ,ang bukas na oportunidad para sa mga potensiyal na kabataang basketbolista na mahanap at matupad ang kanilang ambisyon sa hinaharap.



Nang malimbag ang kanyang aklat na Wang’s @ 25 Beyond Passion,naibulalas ng Letranistang si Wang na nais na niyang i-hang ang kanyang jersey #1 na gamit niyang pang-laro sa scrimmages ka-banggaan ang mga dating pro-players, aktibong commercial at collegiate cagers at upcoming basketeers na nangangailangan lang ng break ùpang madiskub?e para sa pangarap na bigtime basketball.

Ang jersey number 1 ni Wang ay sumisimbolo ng kanyang noble endeavoùr na pagtulong sa naturang sport nang walang hangad na kapalit o return of investment para sa negosyo kundi isang ASSIST upang maibuslo ng manlalaro ang katuparan ng ambisyon.



Totoo ang katagang ‘BEYOND’ dahil lumipas ang 26th year ,27th at patungo nang 3Oth at sa kasalukuyang ay 31st na ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging pilantropo sa mga manlalaro at lumawig pa dahil pati mga batang 15-anyos pababa ay kanya na ring tinutulungang ihasa ang kanilang talento sa larangan.

Lalo pang tumatag ang kanyang koponan sa D-League ng PBA at mas dumarami ang mga players na nais makabalik-aksiyon sa PBA,mahasa ng husto para sa collegiate leagues pati na ang mga lumalaro sa mga ligang labas.



“I can’t help but continue this advocacy,they( players) come and go,andito lang ang Wang’s Basketball sa Aquinas,tuluý-tuloy hanggang Wang’@ 31 and …Beyond “, sambit ng walang sawang umaagapay sa mga nagnanais na magkaroon ng puwang sa bayang basketbolista na naging team manager din ng Philippine Women’s basketball team noon na hawak ni mentor(PSC Commissioner ngayon) na si Fritz Gaston.

Ngayon, di lang basketball ang tuon ng atensyon ng pagtulong ng WANG’S Sports, nais niyang dumiskubre ng mga manlalaro sa tennis na potensyal na sumunod sa yapak ni sensation Filipina world class champion Alex Eala. Gayundin ay tumutulong siya sa pagpapalawig ng bagong kinahihiligang Pickelball sa bansa. Basta ALEX.. Number WANG!

LOWCUT Special shoutout sa mga magigiliw, magagalang at maaasahang kawani ng HAN PAO Chinese Restaurant sa tabi lang ng Puregold Shaw sa Mandaluyong City. Sa Han Pao.. kanilang suki ay umaaPAO!