Advertisers

Advertisers

HUWAG IPILIT ANG ISANG BAGAY PARA MA-SATISFY ANG BATAS, KUNG MAAAPEKTUHAN ANG TAUMBAYAN – NLAP PRES. CRUZ

0 16

Advertisers

Sa pagpapatuloy Public Consultation sa DOE-OIMB, iginiit ni National LPG Alliance of the Philippines, Inc (NLAP) President Jose “Jojo” Cruz kay Department of Energy o DOE Director Rino Abad na huwag ipilit ang isang bagay para ma-satisfy ang batas, kung ang maaapektuhan at magdurusa ang consumer o taumbayan.

Tinitukoy ni Cruz ang kanilang mariing pagtutol sa usapin ng Draft Guidelines ng LPG Cylinder Swapping Centers.

Ayon kay NLAP President Cruz at iba pang independent dealers at stakeholders dapat ang gobyerno ang mamamahala sa swapping center at hindi ang marketters dahil magkakaroon ng personnal na business at conflict of interest na sa huli ang kawawa ay ang mga consumers.



Nananawagan din si Cruz na dapat i-ammend ng kongreso ang batas, na tunay na magbibigay ng proteksyon sa mga independent LPG players at mga consumers laban sa monopolyo na ang magdurusa ay ang taumbayan.

Babala pa ni Cruz na handa silang idulog sa korte suprema ang usapin sakaling paboran ng DOE ang marketers na magpatakbo ng LPG swapping center sa halip na gobyerno.