Advertisers

Advertisers

MEDICAL MISSION NG NTF-ELCAC SA NEGROS OCCIDENTAL

0 19

Advertisers

LAGPAS 2,400 residente ang nabigyan ng tugon sa kanilang pangkalusugang pangangailangan, nang magsagawa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng medical at dental outreach mission noong November 18, 2026 sa Toboso Multipurpose Hall sa Negros Occidental.

Yan ay sa unang araw palang ng outreach mission, ayon sa NTF-ELCAC, kung saan mahigit 1,200 goverment frontline services ang lumahok upang ibigay ang kanilang mga serbisyo.

Sa ilalim ng temang“Ugnayan sa Pamayanan Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran” nakatuwang ng NTF-ELCAC ang lokal na pamahalaan ng Toboso, ang YWAM Ships Philippines, at iba’t iba pang sangay ng NTF-ELCAC upang ipakita ang tinatawag na ‘whole-of-nation approach’ na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad lalo na sa malalayong lugar.



Iniulat ng task force na 1,585 ang nakapag-avail ng general medical consultations, 59 laboratory services, at 16 minor surgeries, kasama ang 46 blood donations. Ang dental team ay nakapagbigay sa 774 beneficiaries.

Bukod sa healthcare assistance, nagkaroon din ng one-stop multi-sectoral dialogues at lagpas sa 1,200 sa mga national government agencies (NGAs), gaya ng sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ng 414 authentication transactions para 238 katao. 377 National ID transactions naman na kinabilangan ng 272 printings, 81 new registrations, at 24 updates sa kani-kanilang impormasyon.



Andun din ang Social Security System (SSS) kung saan 210 residente ang naasukaso. Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay may 115 clients, samantalang ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakapag-process ng 51 clearances. At ang Pag-IBIG Fund ay naasikaso ang 45 members.

Pati ang Philippine National Police (PNP) ay nakapag-process din ng police clearances samantalang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagbigay ng libreng gupit.



Kasama din ang Department of Health (DOH) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na sinamahan ng Globe Philippines para sa pagpapakabit ng mga Wi-Fi.

Ang Toboso ang unang lugar na napuntahan ng tatlong-araw na pede nang tawaging ‘outreach caravan’ para sa northern Negros Occidental.

Yan ang mahusay na paraan para maipakita sa ating mga kababayan na nasa malalayong lugar na sila ay di nakaligtaan ng pamahalaan. At maiwaksi sila sa pangloloko ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.