Advertisers

Advertisers

Labor leaders handang magpabakuna na para magpaturok narin ang mga trabahador

0 255

Advertisers

SUPORTADO ng isang mambabatas ang Alliance of Labor Union (ALU) and Trade Union Congress Party sa usapin na huwag pilitin ang mga manggagawa na magpabakuna.
Sa lingguhang ‘Meet the Press, Report to the Nation’ ng National Press Club (NPC) via Zoom kahapon ng umaga, sinabi ni Manila 6th District Representative Benny Abante na katunayan, aniya, noong nagbotohan hinggil dito siya lamang ang bumoto ng “No”.
Aniya, hindi maaring gawing sapilitan ang pagbabakuna dahil hindi naman, aniya, tayo komunista.
Ang pagsuporta ng kongresista ay kasunod narin ng ulat ng mga reklamo sa ALU-TUCP na maraming manggagawa lalo na sa pribadong sektor ang pinipilit na magpabakuna bago pumasok sa kanilang trabaho.
Ayon naman kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, matapos nilang matanggap ang mga reklamo ay agad nila itong inilapit sa Department of Labor and Employment (DOLE). Na ikinatuwa naman ng labor leaders dahil agad itong inaksyunan ng ahensya.
Samantala, sinabi ni Tanjusay na kung pahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labor leaders na magpaturok na upang maengganyo ang mga manggagawa at maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna, magpapabakuna sila sa harap ng mass media.
Pero sa ngayon, aniya, sumusunod sila sa itinakdang prayoridad ng gobyerno dahil ayaw nilang masabihan ng “epal” kaya nag-iingat din sila. (Jocelyn Domenden)