Advertisers
Ni GARRY OCAMPO
HUMINGI ng tawad si Solenn Heussaff nang punahin ng netizens ang inilabas niyang larawan promoting her 3rd art exhibit called Kundiman.
Puna ng ilang netizens, ginamit daw ni Solenn ang kahirapan ng mga tao para lang i-promote ang kanyang event.
Makikita sa larawan si Solenn na madungis in a sexy wear at sa likod ay painting ng isang mistulang forest or woods. Makikita rin sa background ng larawan ang isang slum area.
“This exhibit expresses my love, appreciation and hope for our country and our people,” caption ni Solenn.
Comment naman ng isang netizen, ”Poverty porn? Is this how u sell ur arts, Ms Solenn?”
“You’re a great artist but this photo was done in poor taste. Using poverty to promote your art is very insensitive. Rich people and their poverty porn,” comment naman ng isa pa.
Nagpaliwanag naman si Solenn sa ipinost niyang larawan na kanya nang binura.
“I`ve been thinking a lot about the comments you guys left on the photo I posted. I know it sparked some debate and there were both good and bad takes on it. While I appreciate the encouragement some shared, I also want to apologize to those I have hurt.
“Wanted to shoot it in a typical street, those we drive by everyday. Streets full of life, since all my painting are about the people we see. Not the rich or the poor but people for who they are. Humanity.
“Thank you for letting this be an eye-opener for me as well. And to those that I have offended, I am sorry,” mahabang pahayag ni Solenn.
***
NATULOY na nga ang pagi-guest ni Arjo Atayde sa Daddy`s Gurl bilang birthday gift daw ng aktor sa girlfriend na si Maine Mendoza.
Ang hinihintay ngayon ay kung tototohanin ng ilang AlDub fans na ibo-boycott ang sitcom ni Maine dahil sa paglabas ni Arjo.
Samantalang binigyan ng surprise bithday party ni Arjo si Maine sa rest house nila sa Batangas na kasama ni Maine ang ilang members ng kanyang pamilya at may larawan na nakasakay sila sa yacht.
Kaya suwerte raw si Maine kay Arjo dahil bukod sa guwapo na ay mabait pa ito at mayaman. Mali at walang katotohanan ang sinasabi ng basher na walang pera si Arjo dahil mayaman ito at hindi kailangan ng pera ni Maine.
Kung alam lang ng basher na bukod sa mga kinikitang pera ni Arjo sa pag-aartista ay may mana rin itong makukuha sa kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Boss Art Atayde.
***
Bubble Gang barkada muling nagpasaya
Matagal ding natigil ang taping ng Bubble Gang barkada sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Paolo Contis, Sef Cadayona, Bentong Sumaya, Kim Domingo, Valeen Montenegro, Denise Barbacera, atbp. dahil sa pandemic. Ngayon ay balik taping na sila para magbigay ng bagong jokes na nagpapasaya sa mga followers ng gag show.
Every Friday pa rin napapanood sa GMA 7 at 10:20 pm ang longest running gag show sa telebisyon.