Advertisers
Ni JULIET PACOT
GAME si Kris Aquino na makipag-date kay Senator Bong Go basta hindi lang mag-chaperone ang tatay ni Joshua na si Philip Salvador na kilalang kaibigan ng senador.
Ito ang tugon ng dating presidential sister na hindi pinalampas ang opinyon ng ilang netizens hinggil sa natanggap nitong bulaklak mula sa isang misteryosong manliligaw.
Tila nagpahiwatig ang isang netizen na malamang galing kay Sen. Go ang bulaklak na pinost ni Kris sa social media.
Sinupalpal pa ni Kris ang netizen sa pagsasabing walang problema kung sa dating assistant secretary ni Pangulong Duterte siya makipag-date basta hindi lang kasama si Ipe.
Hindi pinalampas ni Kris ang panghuhusga sa senador at sinabing hindi niya papayagan ang ganong mga komento sa kanyang social media account.
Marami ang nakihula kung kanino galing ang mga bulaklak na iyon. May nagsasabing galing iyon kay Vice Governor Mark Leviste. Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ni Kris kaugnay sa pagkakakilanlan ng nagbigay sa kanya ng mga bulaklak.
May ilang umalma naman at nagpasaring na hindi umano bagay sina Kris at Senator Bong.
“I disagree… from the few times i have had personal encounters with SBG, he is actually humble, hard working, loyal, and efficient. We can all have differing political opinions but i believe we can be civil in expressing our opinions… BECAUSE i know how it feels to be verbally lambasted just because of my last name so i promised that what has been done to me, on my feed i won’t allow to be done to others… it has to start with me.. have no idea ano ang trip mo, BUT if it will make your weekend happy, since we all need more of it, SBG knows how to reach me- i’m game… wag lang mag chaperone ang tatay ni kuya josh.”
Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya, malabo aniya ito dahil pokus siya ngayon sa kanyang kalusugan na kailangan ng matinding atensyon.