Advertisers
UMABOT sa 3,749 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Marso 11, na pinakamataas sa nagdaang ilang mga buwan.
Samantala ay mayroon namang naitalang 406 na gumaling at 63 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.9% (47,769) ang aktibong kaso, 90.1% (546,671) na ang gumaling, at 2.08% (12,608) ang namatay.
Sa pagtaas ng kaso araw-araw, nauna nang sinabi ng DOH na hindi lamang ang mga variant ang dahilan ng pasirit nito kundi ang hindi pagsunod ng publiko sa wastong MHPS at health protocol. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)