Advertisers

Advertisers

P2.7m droga nasamsam sa Navotas

0 279

Advertisers

ARESTADO ang isang tulak ng iligal na droga nang mahulihan ng mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang naaresto na si Crisanto Lazaro, 39 anyos, ng Barangay Tangos South.
Ayon sa report, 12:30 ng madaling araw isinagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Nakuha kay Lazaro ang nasa 405.4 gramo ng shabu na may standard drug price na P2,756,720.00.