Advertisers
Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 49-anyos na Filipina sa kamay ng kaniyang mga kababayan sa Canada.
Kinilala ang biktima na si Maria Cecilia Loreto, residente ng New Westminister.
Nadakip naman ang dalawang salarin na si Carlo Tobias, 21-anyos; at ang kasabwat niyang 15-anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pinapaniwalaang pinatay si Loreto sa kaniyang bahay noong Marso 17, at kinalaunan nakita ang kaniyang sunog na bangkay sa isang parke sa Burnaby.
Hindi sinabi ng mga awtoridad ang motibo sa krimen dahil sensitibo raw ang impormasyon.
Gayunman, lumilitaw na magkakilala umano ang biktima at mga salarin.