Advertisers
BINIGYAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng labinglimang araw ang mga local government units sa NCR Plus upang tapusin ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ni DILG Spokesman Jonathan Malaya na 15 araw lamang ang binigay na panahon sa mga LGUs para ipamahagi ang ayuda subalit maari naman itong palawigin kung kinakailangan.
Isa na ang Quezon City na maagang nag-abiso na posibleng mag-extend dahil na rin sa laki ng populasyon at dami ng beneficiaries.
Malaking hamon din umano sa mga LGUs kung paano panatilihin ang social distancing dahil marami pa rin ang mga matitigas ang ulo.
Ang mga LGUs ang mamahagi ng ayuda para sa apektado ng ikalawang round ng ECQ.
Binigyan din ng diskresyon ang mga LGUs na mamili kung cash o in kind ang ipamimigay na ayuda. (Jonah Mallari)