Duterte una parin sa survey, Velasco kulelat

55

NAKOPO parin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top 1 rating sa latest survey ng Publicus Asia.

Naitala ni Duterte ang 64.8% approval rating at 55.1% trust rating sa March 20-29, 2021 online survey na nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kabilang banda, nasa huling pwesto sa parehong approval at trust rating survey sa limang matataas na opisyal ng gobyerno si House Speaker Allan Lord Velasco. Naungusan pa ito ng trust at approval rating ng Supreme Court Justice na karaniwang nahuhuli sa mga survey.

Batay sa official Facebook page ng Publicus Asia, si Velasco ay nakakuha ng 25.4% approval rating at 14.5% trust rating survey ng Publicus Asia.

Pumangalawa kay Duterte si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 40.9% approval rating, pangatlo si VP Robredo (29.1%), at sinundan ni SC Justice Diosdado Peralta (28.4%). Nasa huling pwesto si Velasco.

Pumangalawa din kay Duterte si SP Sotto sa trust rating survey na nakakuha ng 24.6%, sinundan ulit ni Robredo (18.6%), retired Chief Justice Peralta (15%), nasa huling pwesto ulit si Speaker Velasco.

Ang survey ay ginawa ng Publicus Asia sa gitna ng pandemyang hinaharap ng bansa. Siyam na modules ang ginawa ng naturang lobbying at campaigns management firm sa pagsasagawa ng naturang survey kabilang na dito ang estado ng ekonomiya ng bansa, covid-19 vaccine prioritization, national issue kasama ang tungkol trabaho at covid-19 at scorecard ng mga senador, scorecard ng mga pambansang opisyal, at institusyon ng gobyerno.

Lumabas sa survey na pare-parehong nabawasan ang total approval rating ng Pangulo, SP Sotto, Robredo at Velasco, samantalang tumaas ang total disapproval rating ng mga ito.

Nakasaad din sa survey ng Publicus Asia na nabawasan ang total high trust rating ni Duterte, Robredo, Sotto at Velasco, samantalang tumaas ang kani-kanilang low trust rating, tanging si ret. Chief Justice Peralta ang nakapagtala ng pagtaas ng parehong approval at trust ratings at pagbaba ng low total trust rating score sa parehong approval at trust rating survey.

Noong Dec.3 -9, 2020 survey ng Publicus Asia, 69.8% ang nakuha ni Duterte sa approval ratin, 49.9 % kay Sotto, 34.6 % kay Robredo, 30.7% kay Peralta at 29.7% kay Velasco.

Sa trust rating survey naman sa kaprehong panahon, si Duterte ay mayroong 62.3%, si Sotto ay 30%, Robredo 23%, Peralta 18.5%, samantalang 18.1% lang kay Velasco.

Leave A Reply

Your email address will not be published.