Covid update: 598 gumaling; 60 nasawi; 9,216 bagong kaso

38

MULING pumalo sa mahigit na 9,000 ang bagong naitalang kaso ng coronavirus disease nitong Huwebes, Abril 8.

Sa case bulletin update ng Department of Health (DOH), umabot sa 9,216 ang bagong kaso ngayong araw kaya’t ang kabuuan na ng mga tinatamaan ng sakit sa bansa ay nasa 828,366.

Samantala ay mayroon namang naitalang 598 na gumaling at 60 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 20.2% (167,279) ang aktibong kaso, 78.1% (646,968) na ang gumaling, at 1.70% (14,119) ang namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.