Advertisers
MARIING pinabulaanan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga kumakalat na mga balitang na may grupo ng mga retirado at aktibong miyembro ng militar ang nag-withdraw ng supporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ni Lorenzana na irresponsible na propaganda ang kumakalat na maling inpormasyon sa online.
“This is fake news! I am not, and will never be, a part of any such group — neither are the officials at the Department of National Defense, many of whom are also retired military officer,” ani Lorenzana.
“Such disinformation is an act of reckless agitation emanating from detractors, who have a limited and myopic appreciation of issues,” dagdag ni Lorenzana.
Nanawagan si Lorenzana na itigil na ang pagpapakalat ng mga “fake news” dahil hindi ito nakakatulong lalo na ngayong panahon kung saan dapat nagkakaisa ang sambayanan sa pagharap sa pandemiya.
Samantala pinabulaanan din ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Cirilito Sobejana na ang nasabing grupo.
Itinanggi rin ni Sobejana ang kumakalat na mga balitang mayroong mga dumating na eroplanong pandigma mula sa US, Japan at Australia sa Clark Airbase.
“It is obvious that the motive of these malicious posts is to create panic and confusion. We advise the public to remain calm and dismiss them as another disinformation,” pahayag ni Sobejana.
Nanawagan din si Sobejana na huwag nang idamay ang AFP sa partisan politics.
Tiniyak din ni Lorenzana na ang AFP ay solido at sumusuporta sa chain of command. (Mark Obleada)