Advertisers

Advertisers

2 patay, 1 missing sa pananalasa ni Bising – NDRRMC

0 242

Advertisers

PATAY ang dalawang katao, 1 ang nawawala at 1 sugatan habang bahagyang humina ang Bagyong Bising ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa NDRRMC, ang dalawang nasawi ay mula Region 7 na isang babae, 47-anyos, ng Catmon Cebu na nagtamo ng pinsala sa dibdib na nagresulta ng pagkasawi nito, 1 lalaki sa Region 8 na 79-anyos mula St. Bernard Southern Leyte nang mabagsakan ng matigas na bagay sa ulo.

Habang ang 40-anyos na lalaki ang naitalang missing sa San Jose Northern Samar at isang 45-anyos na alalaki ang sugatan sa Catmon, Cebu.



Umabot sa 12,913 pamilya o 50,523 individual ang apektado mula sa 233 Barangays sa Region 5 at 8 habang nananatili naman sa mga 253 evacuation center na itinalaga ng mga Local Government Unit ang 5,351 pamilya o 50,620 individual habang 7,278 pamilya o 28,794 individual ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Nakataas sa warning signal no. 2 ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Sagnay, San Jose Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, Caramoan) bahagi ng Northeastern ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu.

Signal no. 1 naman sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Island, Isabela, Quirino, Apayao, bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City) extreme eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista) Northern portion ng Aurora ( Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag ) Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres ) kabilang ang Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern portion ng Masbate ( Aroroy, Masbate City, Baleno, Mobo, Uson, Palanas, Dimasalang) kabilang ang Burias at Ticao Island. Northern Samar at Northern portion ng Eastern Samar ( Maslog, Can-Avid, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad). (Mark Obleada)