Advertisers

Advertisers

PNP: No red tagging sa organizers ng community pantry

0 402

Advertisers

NILINAW ni Philippine National Police Chief Gen. Debold Sinas na wala umanong isinasagawang profiling at red tagging sa mga organizer ng community pantry.

Ito ay kaugnay ng mga report na pagsasagawa pag-profile at red tagging ng mga pulis sa mga community pantry.

Ayon kay Sinas, wala umanong ipinalalabas na kautasan ang PNP National Headquarter na magsagawa o mag-profile sa mga organizer ng community pantry.



Sinabi ni Sinas na walang intensyon ang PNP na makialam o interest sa ginagawang boluntaryong pagtulong ng mga private citizen sa mga nangangailangan.

“It is beyond the interest of the PNP to delve into purely voluntary personal activities of private citizens,” ani Sinas.

Binigyan-diin ni Sinas na ang kanilang interest ay matiyak ang public order at safety at pagsunod sa mga itinatakdang health protocol upang malabanan ang kasalukuyang pandemya.

Napilitang magsara ang commumity pantry sa Maginhawa St., Quezon City para sa kaligtasan ng kanilang volunteer dahil sa red tagging o pag-uugnay sa komunistang grupo.

May mga pulis na di umano’y nagtatanong ng cellphone number at organisasyong kinabibilangan.



Ang community pantry ay nagsimula sa Maginhawa sa Quezon City upang makatulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya na ginaya sa iba’t ibang lugar sa bansa. (Mark Obleada)