Advertisers
BAHAGYANG bumaba ang naitala ng Department of Health (DOH) na kaso ng COVID-19 na umabot lamang sa bilang na 7,379 nitong Martes, Abril 20.
Samantala ay mataas naman ang naitalang recoveries na nasa 21,664 kung saan ang kabuuan ay umabot na sa 809,959.
Umabot naman sa 16,141 ang bilang ng kabuuang namamatay sa sakit dahil na rin sa karagdagang 93 na bagong pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 13.3% (127,006) ang aktibong kaso, 85.0% (809,959) na ang gumaling, at 1.69% (16,141) ang namatay.
Ayon sa DOH, ang mababang numero ngayon ay dulot ng 19 na laboratoryong hindi nakapagsagwa ng testing operations noong ika-18 ng Abril o araw ng Linggo.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)