Advertisers

Advertisers

PNP Maritime Group magpapatrulya na rin sa West PH Sea

0 344

Advertisers

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tutulong narin ang PNP Maritime Group na magpatrolya sa West Philippine Sea para sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa mula sa anumang banta ng pagsupil ng dayuhang nasyon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, tutulong ang PNP sa AFP sa pagbibigay ng intelligence information at intel gathering habang isinasagawa ang coastal patrols.

Saad naman ni PNP Maritime Director PBGen. John Mitchel Jamili na may regular silang isinasagawang maritime patrols sa coastal areas ng Region 1, Region 3, Region 4b at Palawan partikular sa mga baybaying nakaharap sa West Philippine Sea.



Pero ayon kay Jamili na karamihan sa kanilang mga sasakyan ay maliliit lang, at kailangan nila ng mas malalaking barko para tapatan ang mga barko ng China.

“So hanggang doon lang po kami sa ngayon because we have no bigger boats but the PNP Maritime Group is very willling to patrol up to the exclusive economic zone that is why we have these wish lists to have bigger ships and also kung tutulong yung PNP MG kung kinakailangan, yes we are very willing to help in this endeavor,” ani Jamili. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">