Advertisers

Advertisers

DTI: Pagbaba sa GCQ sa NCR Plus nakadepende sa sitwasyon ng covid-19

0 244

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakadepende ang datos tungkol sa COVID-19 sa pagpapaluwag ng quarantine status sa NCR Plus.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, posibleng sa kalagitnaan o pagtatapos ng Mayo ay maging general community quarantine (GCQ) na sa NCR Plus area.
“Even after May 15, everything will depend on numero na bumababa ang COVID cases, yung r-naught, tsaka kung dumami na ang libreng ICU beds, that will allow us to scale down or deescalate sa GCQ. It will depend, in the end, sa numero,” ani Lopez.
Panawagan ni Lopez na dapat ay maging localized na ang lockdown, ibig sabihin ay ang mga area lang kung saan kumakalat ang COVID-19 ang dapat i-lockdown. (Josephine Patricio)