Advertisers
IKINALUNGKOT ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang debate sana hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Carpio na ang naturang debate na sana ang “best opportunity” sa ngayon para maipaliwanag ng husto ang issue na ito sa publiko.
Hindi naman aniya apektado si Carpio sa name-calling na ginagawa sa kanya ni Duterte dahil wala naman aniya itong kahulugan sa kanya.
Gayunman, sinabi ni Carpio na naiintindihan niya ang pag-atras ng Pangulo sa kanilang debate sapagkat “privilege” naman daw niya ito.
Kasabay nito, muling nanawagan si Carpio kay Duterte na dapat na itong magbitiw sa puwesto matapos niyang mapatunayang mali ang claims ng Pangulo na siya ay sangkot sa desisyon sa pag-withdraw ng mga barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Noong mga panahon aniya na iyon ay hindi siya nakibahagi sa anumang cabinet meetings patungkol sa West Philippine Sea sapagkat hindi naman ito ang kanyang trabaho bilang miyembro ng hudikatura. (Jonah Mallari)