Advertisers
HALOS hindi alintana ng mga Person Deprive of Liberty (PDL) o mga bilanggo sa Quezon City Jail ang laganap na nakamamatay na sakit na Coronavirus-19 sa pagsasagawa ng basketball tournament sa compound nitong Sabado, Mayo 22, 2021, ng maga.
Sa ulat, halos siksikan ang mga bilanggo sa QC Jail sa Kamuning habang nanonood ng basketball tournament at tila hindi na alintana ang Covid-19 na maaaring magkahawaan.
Ayon sa report, nagsimula ang basketball tournament ng mga PDL sa Quezon City Jail noong Mayo 16, Linggo, at tumagal hanggang nitong Sabado ng umaga, kungsaan siksikan ang mga bilanggo sa panonood.
Bagama’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dalaw sa QC Jail upang maiwasan mahawahan ang mga inmate, dapat din ipatupad ang health protocol sa loob ng piitan gaya ng ipinatutupad ng IATF.
Ang QC Jail ay nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nang kunan ng reaksiyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na siyang nakakasakop sa BJMP, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na mahirap maipatupad ang social distancing sa mga detention cell dahil sa dami ng nakapiit na PDL. (Boy Celario)