Advertisers
KINUMPIRMA ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na ‘case solved’ at hindi ‘case closed’ ang pagpatay sa transman na si Ebeng Mayor matapos maaresto ang tatlong salarin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).
Kinilala ang tatlong naaresto na sina Zander Dela Cruz alias “Dugong”; Joel Loyola alias “Nonoy Sablay”; at Richard Elvin Araza alias “Tiago”.
Sinampahan na ng kasong ‘Rape with Homicide’ at ‘Robbery’ ang mga salarin sa Quezon City Prosecutors Office ntiong May 22, 2021, at nakakulong sa QCPD habang hinihintay ang commitment order ng korte.
Sinampahan din ng kasong paglabag sa RA 10591, Illegal possession of firearms and ammunition, si Joel Loyola.
” I am happy to announce that we have arrested and formally charged in the Prosecutors Office three suspects in the brutal killing of 21-year old transman Ebeng Mayor. The PNP has kept its promise to Ebeng’s family and solved this atrocious crime,” ani Eleazar.
Iniimbestigahan narin ng PNP kung ang kaso ni Ebeng Mayor ay kinukunsiderang “hate crimes.”
Ibinunyag ni QCPD Director, BGen. Antonio Yarra, na ang dalawa sa tatlong salarin ay nahaharap na sa kasong illegal drugs.
Isinailalim narin sa drug test ang tatlo para mabatid kung lango sa droga ang mga ito nang isagawa ang krimen.
Sa report, nahuli ang dalawang salarin sa Barangay Payatas nitong Sabado.
Natagpuan ang bangkay ni Mayor noong Huwebes, May 20, 2021, sa isang bakanteng lote sa Sitio Bakal, Barangay Bagong Silangan.
Ayon kay QCPD-CIDU Chief, Major Elmer Monsalve, hindi talaga nakilala ang mukha ng biktima dahil binasag sa pamamagitan ng bato. (Boy Celario)