Advertisers

Advertisers

PNP Chief pinaiimbestigahan ang pamamaril-patay ng pulis sa binatilyong may autism sa ‘tupada’

0 262

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar, Lunes na imbestigahan ang insidente ng pamamaril sa isang binatilyo na may sakit na autism sa raid sa isang tupadahan sa Valenzuela City.

Sa ulat, nang-agaw umano ng service firearm ni Senior MSgt. Christopher Salcedo ang nabaril na si Edwin Arnigo, 18 anyos, sa kasagsagan ng raid sa nitong Linggo sa Barangay Lingunan sa nasabing lungsod.

Ngunit ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gachalian, base sa pahayag ng pamilya ng biktima, sadyang binaril ng pulis si Arnigo.



Takot, aniya, ang nasawi sa pulis at ito ay “special needs” base narin sa pahayag ng naulilang pamilya kaya imposible magawang mag-agaw ng baril.

Labis pang ikinalulungkot ng pamilya Arnigo partikular ng ina na si Helen ang pagbitbit sa lupaypay nang biktima nang mabaril palapit sa tupadahan at saka hinubaran.

May nagkuwento rin sa pamilya ni Helen na malapitan na binaril ang “special child”.
“Pagbulagta ng anak ko, ginawa pang manok tinangay doon sa sabong,” ani Helen.
Isinugod sa Valenzuela Medical Center ang biktima pero idineklarang patay.

Ayon kay Eleazar, sa ngayon si Salcedo at tatlo pang miyembro ng raiding team na sina Corporals Kenneth Pacheco, Rodel Villar at Regin Rex Paredes ay nasa ilalim na ng ‘restrictive custody’. Dinisarmahan narin ang mga ito bilang bahagi ng investigative procedure.

“I ordered the Internal Affairs Service to conduct a probe of the incident to determine if there were lapses in the conduct of the operation,” paha-yag ni Eleazar.



Samantala, hiniling ni Ma-yor Gatchalian ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng independent investigation na siya ring hiling ng pamilya ng nasawi.

Kasalukuyan nang na-kikipag-ugnayan ang alkalde sa NBI para sa mabilis na pagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Naaresto rin sa nasabing tupada sina Elicer B. Olivar, 55; at Raymundo T. Isayas, 45, residente ng Barangay Lingunan, Valenzuela, City.

Nakumpiska sa mga arestado ang dalawang panabong na manok na may tari, at pamustang P1,340.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal Gambling, at Direct Assault ang mga naaresto at tinikitan dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 673 o ‘Social Distancing’, at No. 687 o ‘No Face Mask’. (Beth Samson)