Advertisers

Advertisers

Sey n’yo Ellen at Derek… Lloydie at Andrea ipagpoprodyus ng sitcom ni Willie; Sunshine dinenay na single parent kahit hiwalay sa mister

0 215

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

AYON kay Sunshine Dizon ay hindi naman daw siya maituturing na single parent kahit hiwalay na sila ng mister na si Timothy Tan.

“I   don`t   want   to  claim that  title na single parent ako. Nakakahiya  dun  sa mga  totoong  single  parent.  Mag-isa lang silang kumikilos  at  gumagawa  ng lahat  ng paraan para sa mga anak nila. Ang  set-up  ko  is  co-parenting.  Somehow, I`m  still  blessed,” pahayag ni Sunshine sa naging panayam sa kanya ng Cinema One.



Ginagawa naman daw ng ex-husband niya ang responsibilidad nito bilang ama sa kanyang mga anak.

“Siguro  what  I  can say  na lang  is  I`m  very thankful  that  he  does  what  he has to do. He does  his  responsibilities and obligations. Well, my kids  are happy  na may daddy  pa rin sila,” say ni Sunshine.



Pagdidiin pa ni Sunshine na walang katotohanan na nagkabalikan na sila ng mister. Okey na raw ang relasyon nila bilang co-parents.

***



RABIYA NAKADIDISMAYA ANG RETOKADANG BOOBS

Marami ang nadisyama sa pagiging retokatada raw pala ng naging Miss Universe representative natin na si Rabiya Mateo sa katatapos na Miss Universe Beauty Pageant.

Akala kasi ng mga kababayan natin ay perfect ang katawan at morena beauty ni Rabiya. Kaya raw pala mistulang lalabas na ang kanyang mga dibdib sa mga outfit na isinuot sa contest.  Isa pala itong retokada na sagwa ng pagkakagawa dahil parang dalawang malaking bato na inilagay sa kanyang dibdib.

Karamihan nga raw ng mga barakong nag-ilusyon sa kagandahan at kaseksihan ni Rabiya ay naglaho parang bula at disymado.

Ang dating paghanga ay nauwi sa pagkaawa dahil nagmistulang bato na may nakalagay sa dibdib nito na ang sagwa raw kung titingnan.

Bakit kailangan pa raw iparetoke ang dibdib, mas maganda raw ang original  kaysa fake ang parte ng katawan.

***

ISA sa  magiging  guest  ni  Willie Revillame sa kanyang show na Wowowin on June 6  ay si John Lloyd Cruz na gaganapin sa Araneta Coliseum para sa event  ng isang  e-commerce  platform  pero kinailangan pa rin pumirma ng kontrata ng actor sa production ni Willie boy.

Magkakasama sina  John Lloyd, Willie, direk Bobot Mortiz at abogado ni Willie sa contract signing.

Walang representative ng Crown Artist Management  na nabanggit na nagma-manage  sa showbiz career ni John Lloyd pero sigurado na alam ito ni Maja Salvador.

Samantala, tila matutupad ang  request ng netizens at Kapuso viewers  na magsama sa isang show sina John Lloyd at Andrea Torres sa GMA 7 dahil si Willie mismo ang magpo-produce ng sitcom ng dalawa.

Ang nasabi kasi ni Willie pagkatapos pumirma ng kontrata ni John Lloyd ay, “more  to  come.”

Ngayon pa lang ay super excited na ang netizens sa project na pagsasamahan nina Lloydie at Andrea. May title na nga silang naisip para sa dalawa.